Gawain sa kapistahan ng Nuestra Señora de Peñafrancia sa Setyembre, inilatag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,983 total views

Puspusan ang paghahanda ng Archdiocese of Nueva Caceres sa pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestra Señora de Peñafrancia sa Setyembre.

Kabilang sa mga gawain na magsisimula sa September 1 ang Walk with Ina, run for Creation sa Our Lady of Penafrancia Minor Basilica and National Shrine, Paglilipat ng imahe ng Divino Rostro mula basilica patungo sa lumang shrine sa September 3, novena ng Divino Rostro mula September 4 hanggang 12; Ina: Power and Intimacy Exhibit sa Holy Rosary Minor Seminary mula September 7 hanggang OCtober 7; Bishop Gainza Trade Fair ng September 12 hanggang 23; September 13 kasabay ng kapistahan ng Divino Rostro ay isasagawa ang traslacion sa imahe ng Mahal na Birhen ng Penafrancia mula basilica patungo sa dating shrine hudyat ng pagsisimula ng nobenaryo hanggang September 21.

Muli ring isasagawa ang Marian Youth Congress sa September 14 hanggang 15 sa Naga Metropolitan Cathedral habang Union of Bicol Clergy naman ng Septamber 17 hanggang 19.

Magkakaroon din ng dawn procession sa imahe ng Divino Rostro at Our Lady of Penafrancia mula September 19 hanggang 21 sa Naga Metropolitan Cathedral.

Sa September 20 pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang banal na misa sa alas kuwatro ng hapon sa Quadricentennial Arch kung saan isasagawa rin ang reenactment ng canonical coronation sa Reyna ng Bicolandia na susundan ng procesion Triunfal para La Reina Celestial Coronada sa alas siyete ng gabi sa mga lansangan sa Naga City.

Sa September 21 ang nakagawiang fluvial procession sa imahe ng Birhen ng Penafrancia bago ang kapistahan ng patrona ng Bicol Region sa September 22.

Muling inaanyahan ng arkidiyosesis ang mananampalataya na makiisa sa at saksihan ang unang sentenaryo ng pagpuputong ng korona sa imahe na ginanap sa Plaza del Seminario de Nueva Cáceres noong September 20, 1924 sa pangunguna noon ni Apostolic Delegate Guglielmo Piani, SDB, na itinalaga ni Pope Pius XI.

Ang kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia ang isa sa mga malalaking pista sa Pilipinas kasunod ng Nuestro Padre Jesus Nazareno at Sto. Niño tuwing Enero.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 17,204 total views

 17,204 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 67,218 total views

 67,218 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 63,087 total views

 63,087 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 99,127 total views

 99,127 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 106,947 total views

 106,947 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top