Imahen ng Santisimo Rosario, nakadambana sa Radio Veritas chapel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,004 total reads

Hinahangad ng Parokya ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ng Malipampang, San Ildefonso, Bulacan na higit pang ipakilala at ipalaganap sa mas maraming mananampalataya ang pagdedebosyon sa Mahal na Birheng Maria o Apo Sayong.

Ayon kay Parish priest, Fr. Jose Jay Santos, ito ang layunin ng parokya bilang paghahanda para sa ika-100 taong pagdating ng imahen ng Santisimo Rosario sa Malipampang na ipagdiriwang sa February 22, 2026.

“Ito po ay bahagi ng aming paghahanda para sa aming sentenaryo. ‘Yun pong 100 years na pagdating ng birhen sa Malipampang… Ang layunin po namin ay hindi lamang po paghahanda, kundi maipakilala rin ang mahal na birhen ng Sto. Rosario, ‘di lamang sa loob ng aming parokya, bagkus po pati sa labas ng aming parokya,” pahayag ni Fr. Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Santos, ang Mahal na Birhen ng Sto. Rosario o kilala sa tawag na Apo Sayong, ay dinarayo ng mga mananampalataya ng lalawigan ng Bulacan dahil sa kaloob na biyaya at pagpapala sa mga humihiling ng panalangin.

Paliwanag ng pari na ang pagbisita ni Apo Sayong sa iba’t ibang parokya at diyosesis ay bahagi ng misyon upang sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria ay matanggap ng bawat isa ang biyaya mula sa Diyos.

Kasalukuyang nakadambana sa Radio Veritas Chapel sa Quezon City ang replica ng imahen ni Apo Sayong, at maaaring bisitahin upang mag-alay ng mga panalangin hanggang Miyerkules, August 14, 2024.

“Nais po naming makilala ninyo kung papaano ang biyaya na ibinibigay sa amin ng aming patron, ang Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ng Malipampang, kilala sa tawag na si Apo Sayong, kung papaano po kami ay sinamahan, inalalayan, at ipinagdasal, ganoon din po ang nais naming ibahagi,” paanyaya ni Fr. Santos.

Samantala, isinasagawa naman sa parokya tuwing ika-22 ng bawat buwan ang pagdedebosyon kay Apo Sayong kung saan itinatanghal ang Santisimo Sakramento, pagdarasal ng Rosaryo, pagdiriwang ng Banal na Misa, pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen, at iba pang gawain.

Taong 1926 nang dumating sa pamayanan ng Malipampang ang imahen ng Santisimo Rosario, at ipinagdiwang ang unang pista sa nayon noong February 22, 1927.

Tema naman ng ika-100 taong pagdiriwang ang “Sentenaryo 1926-2026: Isang Parokyang Nagpupuri at Nagpapasalamat Kasama si Maria”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 61,821 total reads

 61,821 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 99,853 total reads

 99,853 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 133,981 total reads

 133,981 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 190,387 total reads

 190,387 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 179,277 total reads

 179,277 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top