Archdiocesan assembly on Migrants, ipinag-utos ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,229 total views

Magsasagawa ng Archdiocesan Assembly ang Migrants Ministry ng Archdiocese of Manila bilang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng World Day of Migrants and Refugees (WDMR), National Migrant’s Sunday (NMS), at National Seafarers Day (NSD).

Sa inilabas na sirkular, hinihikayat ng Archdiocese of Manila Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (ACMI) ang mga parokya na magpagdala ng dalawang kinatawan na magsisilbing coordinators para sa gaganaping pagtitipon.

Isasagawa ito sa August 31, 2024 sa Sacred Heart of Jesus Parish sa Santa Mesa, Manila mula alas-8:30 ng umaga hanggang ala-una ng hapon.

Nilalayon ng pagtitipon na higit na bigyang-pansin ang pagpapahalaga sa mga overseas filipino workers na piniling makipagsapalaran at iwan ang mga pamilya upang makapag-hanapbuhay.

Inaasahang tatalakayin sa assembly ang Retooling Seminar for the Parish Migrants Ministry Formation; pang-arkidiyosesanong paghahanda para sa pandaigdigan at pambansang pagdiriwang para sa mga migrante at mandaragat; at migration updates mula sa mga ahensya ng pamahalaan.

Ipagdiriwang sa September 29, 2024 ang ika-110 World Day of Migrants and Refugees, kung saan napiling tema ng Kanyang Kabanalan Francisco ang “God walks with His people”, na nangangahulugang ang bawat isa ay mga alagad ng Diyos, at sama-samang naglalakbay patungo sa kaharian ng langit.

Sa mga dadalo sa Archdiocesan Migrants Ministry Assembly, ipadala lamang ang mga pangalan sa email na [email protected] o magpadala ng mensahe sa numerong 0917-895-1961.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 62,253 total views

 62,253 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 58,122 total views

 58,122 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 94,324 total views

 94,324 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 102,506 total views

 102,506 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 126,637 total views

 126,637 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top