DILG, nanindigang walang nilalabag ang PNP sa pagsisilbi ng arrest warrant kay Quiboloy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,024 total views

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang karapatang-pantao ang nalalabag sa kabila ng operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City.

Ang pahayag ng DILG ay kaugnay sa inilabas na Temporary Protection Order (TPO) ng Davao City Regional Trial Court (RTC) Branch 15 na nag-uutos sa PNP Police Regional Office XI na ihinto na ang pagba-barikada at lisanin na ang KOJC compound dahil nagdudulot lamang ito ng pangamba sa kaligtasan ng mga nagsasagawa ng kilos-protesta.

Ayon kay DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr., ang operasyon ng PNP ay alinsunod sa mga arrest warrant mula sa Pasig City RTC Branch 159 at Davao City RTC Branch 12, at hindi rin nito hinahangad na magdulot ng banta sa mga kasapi ng KOJC.

“We will seek clarification from RTC Branch 15 considering that the police operations and barricades do not pose a threat to life, liberty or security of KOJC members. Rather, these are only being done pursuant to the lawful enforcement of the warrants of arrest from the Pasig City RTC Branch 159 and Davao City RTC Branch 12,” pahayag ni Abalos.

Dahil dito, iginiit ng kalihim na malinaw na walang hayagang utos ang Davao City RTC Branch 15 upang lisanin ng PNP ang KOJC compound at ihinto ang anumang operasyon.

Sinabi ni Abalos na ipagpapatuloy ng pulisya ang tungkuling ihatid ang arrest warrant kay Apollo Quiboloy at iba pang mga akusado, na may paggalang sa karapatang pantao at legal na proseso.

“We will continue to uphold the sanctity of the justice system and the rule of law,” ayon kay Abalos.

Muli namang umapela si Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa lahat ng mga kasangkot sa nangyayaring gulo sa KOJC compound na ang katarungan ay dapat manaig, hindi sa pamamagitan ng karahasan, kundi sa pamamagitan ng pagsunod sa batas at paggalang sa dignidad ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 20,483 total views

 20,483 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 48,488 total views

 48,488 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 66,288 total views

 66,288 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 65,432 total views

 65,432 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 176,402 total views

 176,402 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 10,405 total views

 10,405 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top