Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Santos, naglabas ng prayer for protection against fire

SHARE THE TRUTH

 13,171 total views

Ipinapanalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kaligtasan ng lahat mula sa panganib ng sunog bilang paggunita ngayong Marso sa Fire Prevention Month.

Hinihiling ni Bishop Santos na nawa’y pigilan ng Diyos ang pagkalat ng apoy upang maiwasan ang anumang panganib, hindi lamang sa mga tahanan, ari-arian at tao, maging sa kapaligiran at mga hayop.

Ipinagdarasal din ng obispo ang kaligtasan at katatagan ng mga bumbero at emergency responders na walang pagod na nagsasakripisyo upang sagipin ang buhay ng iba at tiyakin ang kaligtasan ng lahat mula sa panganib.

Hinikayat ni Bishop Santos ang lahat na magtiwala sa mapagkalingang presensya ng Panginoon upang madama ang kapanatagan at pag-asa sa gitna ng panganib at pagsubok.

PRAYER FOR PROTECTION AGAINST FIRE

O Almighty God, You are our refuge and strength,
We come before you with a plea for Your divine protection against the threat of fire. We ask for Your merciful intervention, so that no one may perish. Keep the flames under control to minimize damage to homes, buildings, and all other properties.

Shield us with Your powerful hand and place a barrier between us and the destructive force of fire. Grant safety to all who are in the path of danger, and provide strength and courage to the firefighters and emergency responders who work tirelessly to protect us.

In the midst of uncertainty, be our comfort and guide. Surround us with Your presence, and let us find comfort in Your unwavering love.

We trust in Your power and Your grace, knowing that You are ever-watchful and ever-faithful. May Your protection be our shield and Your strength our support.

We ask all these in the most precious name of your Son, Jesus, we pray, Amen.

+ RUPERTO CRUZ SANTOS, DD
Bishop of the Diocese of Antipolo and Parish Priest
International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage

Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 115-A ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., idineklara ang Marso bilang Fire Prevention Month dahil sa nakababahalang pagtaas ng mga insidente ng sunog sa buong bansa sa panahong ito.

Layunin din ng paggunita na paigtingin ang kamalayan ng publiko sa pag-iwas sa sunog at palakasin ang mga hakbang para sa kaligtasan.

Batay sa pinakahuling tala ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot na sa mahigit 2,400 ang naitalang insidente ng sunog sa buong bansa mula Enero hanggang Marso—mas mababa ng 40 porsyento kumpara sa mahigit 4,300 kaso sa kaparehong panahon noong 2024.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MISALIGNED

 7,006 total views

 7,006 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 25,577 total views

 25,577 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 51,073 total views

 51,073 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 61,874 total views

 61,874 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila calls for donation

 1,717 total views

 1,717 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 13,694 total views

 13,694 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567