Pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pamilya, pinuri ng Papal Nuncio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,877 total views

Hinimok ng opisyal ng Vatican ang mga pamilya lalo na sa Pilipinas na patuloy gawing huwaran ang Banal na Mag-anak upang mas mapagtibay ang relasyon ng bawat pamilya.

Ayon kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, sa gitna ng hamong kinakaharap ng mga pamilya sa Pilipinas ay mahalagang tingnan sina Jose, Maria at Hesus na puspos ng kabanalan bilang pamilya.

Pinuri ng nuncio ang katangian ng mga Pilipino na may pagpapahalaga sa mga pamilya kaya’t nararapat na pagyamanin ito hanggang sa mga susunod na henerasyon.

“We follow the beautiful example of Joseph and Mary when it comes to family life. For Filipinos, family is of utmost importance. We must protect, strengthen, and defend family life,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Brown.

Sa Dakilang Kapistashan ni San Jose Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen noong March 19 hiniling ni Archbishop Brown ang pamamatnubay ni San Jose na tulungan ang mga pamilyang manatiling matatag.

“I pray to Saint Joseph for our families, hoping they remain united and intact, filled with love and forgiveness for one another,” ani Archbishop Brown.

Patuloy na naninindigan ang simbahang katolika sa Pilipina laban sa isinusulong na diborsyo na ipinasa ng mababang kapulungan ng kongreso noong Mayo 2024 kung saan 131 mambabatas ang pabor habang 109 naman ang tumutol.
Mariin ang panawagan ng iba’t ibang prolife groups sa bansa sa mga mambabatas na isantabi ang diborsyo sa halip ay palakasin ang mga existing laws na tumutugon sa domestic violence sa mga pamilya upang mabigyan ng karampatang parusa ang mga lumalabag sa batas.

Samantala ibinahagi naman ni San Jose de Quezon City – Shrine of St. Joseph Rector at Parish Priest Fr. Gilberto Fortunato II Dumlao na binibigyang tuon ng kanilang parokya ang pagpapalago ng debosyon kay San Jose lalo’t ginugunita ang ika – 25 anibersaryo ng pagiging dambana sa temang ‘Pilak ng Pag-asa.’

Tuwing ika – 19 ng buwan ay inilalaan ng parokya sa debosyon kay San Jose na tagapagtanggol ng pamilya.

“Sa tuwing ika – 19 ng buwan tayo ay namimintuho kay San Jose upang lalo pang maipakalat ang kanyang katayuan sa ating pananampalalataya bilang ama, bilang protector ng family, ng Quezon City at higit sa lahat tahimik na lingkod ng ating pamilya,” pahayag ni Fr. Dumlao sa Radio Veritas.

Bukod kay Fr. Dumlao na katuwang ng nuncio sa pagdiriwang ng Eukaristiya sa kapistahan ay nakiisa rin ang mga pari mula sa iba’t ibang komunidad at ang parochial vicar na si Fr. Victor Angelo Parlan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 53,155 total views

 53,155 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 86,237 total views

 86,237 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 114,588 total views

 114,588 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 182,320 total views

 182,320 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 201,753 total views

 201,753 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top