Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila-Damayan Alay Kapwa telethon, paghahanda ng Simbahan sa anumang kalamidad

SHARE THE TRUTH

 11,940 total views

Binigyang diin ng Caritas Manila ang kahalagahan ng pagiging maagap at paghahanda ng Simbahan upang aktibong makatulong sa mga nangangailangan at biktima ng kalamidad.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton CT Pascual na siya ring pangulo ng Radyo Veritas 846, layunin ng Caritas Manila – Damayan Alay Kapwa Telethon 2025 na ginagawa tuwing Lunes Santo na makalikom ng pondo ang social arm ng Archdiocese of Manila para makatulong sa mga biktima ng kalamidad sa bansa.

Ipinaliwanag ng Pari na mahalagang maging pro-active o maagap ang Simbahan upang kagyat na matugunan ang pangangailangan ng mga maaring mabiktima ng mga kalamidad na gawa ng kalikasan o gawa ng tao.

“Sa ating mga Kapanalig nawa’y ngayong Lunes Santo – Alay Kapwa ay maging aktibo tayo, makatulong tayo sa mga biktima ng kalamidad sa ating bansa at mahalaga na we prepare early kaya naglilikom po ng pondo ang Caritas Manila para kapag dumating ang mga disaster na gawa ng kalikasan o gawa ng tao ay mabilis na makatugon ang ating Simbahan, pro-active tayo sapagkat meron na tayong pondo.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Pascual, ang anumang halaga o tulong at suporta na maipapaabot ng bawat isa sa Caritas Manila ay malaki ang maiaambag upang maibahagi sa mga nangangailangan ang biyaya at pag-asa na hatid ng Panginoon para sa lahat lalo’t higit para sa mga nangangailangan.

“Yung maitutulong niyo hindi naman kailangan kahit magkano ang mahalaga nakapagbigay tayo kahit maliit lang ang mahalaga we shared our blessings so that others may also experience the blessings of God lalong lalo na yung mga directly naapektuhan ng kalamidad na gawa ng kalikasan o gawa ng tao.” Dagdag pa ni Fr. Pascual.

Ayon sa Pari, ang pakikiisa sa gawain at pagbabahagi ng anumang tulong in-cash o in-kind ay isang pagpapakita rin ng diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga Pilipino na kalingain ang kapwa lalo na sa panahon ng kalamidad, na isa ring patotoo na buhay ang pananampalataya at nakikita sa kongkretong gawa.

Pagbabahagi ni Fr. Pascual, bukod sa kagyat na tulong ng mga pagkain ay aktibo rin ang Caritas Manila sa pagtulong sa rehabilitasyon ng mga nasirang Simbahan gayundin sa pagkakaroon ng permanenteng bahay sa mga nawalan ng tahanan.

“Yun pong ating pag-aabuloy in-cash and in-kind at yung ating pagbo-volunteer ng ating time, talent, treasure ay napakahalaga na patotoo na buhay ang ating pananampalataya at nakikita sa kongkretong gawa at hindi lang kasi ito dole-out, dole-out is just the beginning and relief ay few days lang yan pero kailangan tumuloy pa rin tayo sa rehabilitation to help the poor help themselves.” Ayon pa kay Fr. Pascual.

Nilinaw naman ni Fr. Pascual na hindi natatapos sa isang araw na Caritas Manila – Damayan Alay Kapwa Telethon 2025 ang pagtulong at pagsuporta sa misyon ng social arm ng Archdiocese of Manila bilang daluyan ng pag-asa, habag, awa, at pagmamahal ng Panginoon para sa mga nangangailangan sapagkat tuwinang tinatawagan ang lahat na suportahan ang misyon ng Simbahan para sa mga nangangailangan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 9,769 total views

 9,769 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 30,497 total views

 30,497 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 38,812 total views

 38,812 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 57,409 total views

 57,409 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 73,560 total views

 73,560 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 842 total views

 842 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 7,334 total views

 7,334 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top