Dumulog sa Kamahal-mahalang puso ni Hesus, paanyaya ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,471 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na dumulog sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus na nagpapatawad at nagpapagaling.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagdiriwang ng banal na misa sa National Shrine of the Sacred Heart sa Makati City sa Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus. Binigyang diin ni Cardinal Advincula na ang puso ni Hesus ay tigib sa pagmamahal sa sangkatauhan kung saan nakahandang tanggapin at hanapin ang mga naliligaw ng landas bunsod ng mga kahinaang taglay ng tao. Gayundin ang mga pinanghihinaan at nakararanas ng mga karamdamang nagpapahina sa pananampalataya at nagdudulot ng kawalang pag-asa.

“This is the very heart of our devotion, the Sacred Heart does not wait passively but seeks us out especially when we feel lost or unworthy. The Sacred Heart is a heart that heals and restores,” ayon kay Cardinal Advincula.

Hamon ng cardinal sa mananampalataya na suriin ang ugnayan sa Panginoon kung nakatutugon sa tawag ng pagsunod sa misyon tulad ng matapat at buong kababaang loob na pagsunod ng Mahal na Birheng Maria sa kalooban ng Diyos.

Paliwanag ng arsobispo na ang Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at Kalinis-linisang Puso ni Maria ay magkakaugnay sapagkat ang puso ng Mahal na Ina ay puspos ng walang hanggang pagmamahal sa kanyang anak gayundin ang
pagpapadama ng habag at awa. “Let us not only admire the Sacred Heart, let us enter into it.

Let His love transform us so that we too may become hearts that seek, heal, and save,” ani Cardinal Advincula. Sa panayam naman kay Shrine Team Ministry Member at Radyo Veritas President Fr. Roy Bellen hinimok nito ang mga deboto na mas palalimin ang debosyon sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus lalo ngayong ipinagdiriwang ng simbahan ang Jubilee Year of Hope.

Inaanyayahan ng pari ang mamamayan na bumisita sa pambansang dambana at tamasahin ang plenary indulgence na ipinagkaloob ng simbahan ngayong taon ng hubileyo. Ang dambana ay itinalaga ng Archdiocese of Manila bilang Jubilee Church for Business Owners and Entrepreneurs bilang ang simbahan ay nasa business district ng Makati City.

Kasabay ng kapistahan ay pinangunahan din ni Cardinal Advincula kasama sina Fr. Bellen, Shrine Rector at Team Ministry Moderator Fr. Roderick Castro at iba pang mga pari ang groundbreaking ceremony sa itatayong Saint Margaret Mary Alacoque building na bahagi ng pagpapaigting sa misyong paglingkuran ang nasasakupang kawan gayundin ang mga perigrinong bumibisita sa dambana.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 48,251 total views

 48,251 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 81,333 total views

 81,333 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 109,684 total views

 109,684 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 177,416 total views

 177,416 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 197,198 total views

 197,198 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top