Parish of St.Therese of the Child Jesus, idineklarang national shrine ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,590 total reads

Ikinagalak ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang desisyon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na gawing National Shrine ang Diocesan Shrine and Parish of Saint Therese of the Child Jesus sa Mayamot Antipolo City.

Sa isinagawang 130th plenary assembly ng CBCP nitong July 5, 2025 sa Anda Bohol, nagkasundo ang mga obispo na gawing pambansang dambana ang nasabing simbahan.
Ayon kay Bishop Santos bukod sa titulo kaakibat ng pag-angat ng estado ng simbahan ang mas malawak at malalim na misyong gagampanan na makatutulong sa paglago ng pananampalataya ng mga Pilipino.

“The elevation of the Parish Church of Saint Therese of the Child Jesus into a National Shrine is not simply a change of title – it is a deepening of purpose, a maturing of mission, and a sanctification of space for generations to come,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Sinabi ng obispo na layunin ng pag-angat ng simbahan bilang national shrine na mas mapalawak ang misyon ng Saint Therese sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito ang ikalawang national shrine ng Diocese of Antipolo na ayon sa obispo na panibagong simula ng pagpapatatag ng debosyon ng mga Pilipino at higit na mailapit sa Panginoon.
“This elevation is not an end, but a beginning, one that will build upon years of devotion, deepen the spiritual life of the faithful, and beacon for contemplative mission across the Philippines. Rooted in prayer and aligned with the universal church, we are committed to stewarding this shrine with humility and reverence,” ayon kay Bishop Santos.

Pangunahing batayan sa national shrine status dapat naitalagang diocesan shrine ang isang simbahan na may matatag na paghuhubog sa pananampalatya.

Ang mga national shrine ay kinikilala batay sa kahalagahan sa kasaysayan, kultura at higit sa espiritwal na aspeto ng lipunan.

Taong 2002 nang pangunahan ni noo’y Antipolo Bishop Crisostomo Yalong ang pagtatag ng dambana na itinalaga sa kay Saint Therese alinsunod sa mga gawain ni St. Francis Xavier Parish ang mother parish ng dambana.

Noong October 2003 nagsagawa ng pilgrimage ang 17 indibdiwal sa Lisieux, France kung saan sa kanilang pagbalik ay bitbit ang primary relic ni St. Therese.
December 2003 naman ng pormal na itinalaga ni noo’y Antipolo Bihsop Gabriel Reyes ang simbahan bilang parokya habang 2005 sinimulan ang pagtatayo ng simbahan sa kasalukuyan nitong lugar sa Mayamot, Antipolo City.

September 1, 2011 nang italaga ni Bishop Reyes ang dambana bilang diocesan shrine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 30,018 total reads

 30,018 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 70,333 total reads

 70,333 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 177,211 total reads

 177,211 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 221,876 total reads

 221,876 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 242,496 total reads

 242,496 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top