Paninindigan ng SJSA sa malawakang katiwalin sa gobyerno, suportado ng UP-PGH Chaplain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,516 total reads

Nakikiisa si Fr. Marlito Ocon, SJ, head chaplain ng University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH), sa matinding pagkondena ng Society of Jesus Social Apostolate (SJSA) laban sa malawakang katiwalian sa pamahalaan.

Bilang kinatawan ng simbahan at pribadong sektor na katuwang ng UP-PGH, binigyang-diin ni Fr. Ocon ang matinding pinsala ng katiwalian sa kalusugan at buhay ng mga mahihirap.

Ayon sa pari, maging ang UP-PGH ay biktima rin ng katiwalian sa flood control project na nagdudulot ng patuloy na pagbaha at labis pang nagpapahirap sa charity patients ng institusyon.

“Taon-taon na lang binabaha ang UP-PGH Manila, bilang isa sa mga saksi ng kahirapan na dinaranas ng ating mga maralitang kapatid na may sakit at lubhang naghihirap dahil sa kakulangan ng pondo, ang PGH Catholic Chaplaincy ay lubos na sumusuporta at nakikiisa sa panawagan at pahayag na ito ng Society of Jesus Social Apostolate,” pahayag ni Fr. Ocon.

Iginiit pa ni Fr. Ocon na ang pagmamalabis ng ilang opisyal ng pamahalaan sa kaban ng bayan ay labis na nakakakagalit, lalo na kung isasaalang-alang ang kalagayan ng mga Pilipinong patuloy na naghihirap dahil sa pagbaha at matinding kahirapan.

“Ang pinag-usapan na billion-billion na nilustay ay hindi lamang nakakadismaya o nakakalungkot, kundi totoong nakakagalit,” dagdag ni Fr. Ocon.

Una nang binigyang-diin ng Society of Jesus Social Apostolate ang ulat ng World Bank, Asian Development Bank, at International Monetary Fund noong 2024 na tinatayang ₱2 trilyon kada taon ang nawawala sa pamahalaan dahil sa katiwalian, bukod pa sa datos ni Senator Panfilo Lacson na halos ₱1 trilyon sa pondong inilaan para sa flood control projects sa nakalipas na dekada ay napunta lamang sa bulsa ng mga tiwaling opisyal at kumpanya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 53,850 total reads

 53,850 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 92,514 total reads

 92,514 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 126,642 total reads

 126,642 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 183,048 total reads

 183,048 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,999 total reads

 178,999 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top