Tungkulin ng mga lider ng pamahalaan na paglingkuran ang taumbayan, paalala ni Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,169 total reads

Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop-designate Alberto Uy ang mga lider ng pamahalaan na ang pangunahing tungkulin nila ay ang paglilingkod sa kapakanan ng nakararami.

Ito ang mensahe ng obispo sa kapistahan ni San Nicolas Tolentino, isang paring namuhay ng payak at naglingkod ng tapat at may malasakit sa mananampalataya.

Sinabi ni Archbishop Uy na kung magpapatuloy ang malawakang korapsyon, hindi makakamit ng bansa ang inaasam na kaunlaran. Kaya’t kailangang magtulungan ang bawat isa upang isulong ang matapat at maayos na pamumuno.

“If corruption continues, our nation will never truly prosper. We cannot call the Philippines a Christian nation if its people are full of dishonesty and only look after their own interests. Leaders in government are called to serve, not to be served. You were chosen not to enrich yourselves, but to serve the people,” ayon kay Archbishop Uy.

Tinuran ng arsobispo ang ebanghelyo ni San Lucas kung saan inihahayag na kinalulugdan ng Diyos ang mga dukha, nagugutom, at tumatangis, habang kinapopootan naman ang mga mayayamang nagpakasasa sa hindi nila pag-aari, gayundin ang mga lider na uhaw sa kapangyarihan at nagnanakaw sa kaban ng bayan habang ang bayan ay nahihirapan.

“If you are a politician who lives simply and does not steal the people’s money, blessed are you. If you are a leader who hungers and thirsts for justice and does not allow ghost projects—blessed are you. If you are an official who cares for the poor, the sick, the victims of floods and calamities—blessed are you,” dagdag ng arsobispo.

Iginiit ni Archbishop Uy na ang mga halimbawa ni San Nicolas ay paalala sa bawat isa na mamuhay sa katotohanan, katarungan, at kalinisan, sapagkat ito ang tunay na mga kayamanang kinalulugdan ng Panginoon.

“If you live honestly, not only will God bless you—the people you serve will also be blessed. And that blessing will endure into eternity,” ani Archbishop Uy.

Kasalukuyang pinag-uusapan ng buong bansa ang nabunyag na katiwalian sa mga ghost flood control projects na kinasasangkutan ng ilang opisyal at kawani ng pamahalaan, kung saan bilyon-bilyong pisong halaga ang nawawala dahil sa korapsyon.

Una nang nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na magsagawa ng independent investigation kaugnay sa mga flood-control projects upang tunay na makamit ang katarungan at mapanagot ang mga totoong sangkot sa katiwalian.

Si San Nicolas Tolentino ay isang misyonerong Italyano na ipinanganak noong 1245 sa Tolentino, Italya. Kilala siya sa kanyang kabanalan at debosyon sa Diyos, at naging miyembro ng Orden ni San Agustin. Ipinagpatuloy niya ang kanyang misyon sa pagtulong sa mga mahihirap at mga naglalakbay, pati na rin sa pagpapalaganap ng mga turo ng simbahan. Siya ay namatay noong 1305 at naging santo ng Simbahang Katolika. Ang kanyang kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing Setyembre 10.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 6,868 total reads

 6,868 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 62,770 total reads

 62,770 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 99,559 total reads

 99,559 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 131,628 total reads

 131,628 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 182,080 total reads

 182,080 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 243,697 total reads

 243,697 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top