Diocese of Tagbilaran, magsasagawa ng malawakang kilos protesta laban sa corruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,927 total reads

Makiisa ang Diocese of Tagbilaran sa malawakang pagkilos kontra korapsyon sa September 21.

Ayon kay outgoing Tagbilaran Bishop Alberto Uy, makiisa ang lokal na simbahan sa Bohol sa pagtitipon na tinaguriang “LIHOK BOL-ANON BATOK SA KORAPSYON” na may temang “PAGPAKABANA KONTRA KURAKOT.”

Paalala ni Bishop Uy sa mga lalahok sa pagtitipon na manindigan bilang mga Pilipinong may malasakit sa kalagayan ng bansa at iwasan ang anumang kulay ng pulitika.
“Come out not carrying political colors or party names, but carrying only one identity—that of a Filipino who loves our beloved Philippines. It is time for us to unite: for God, for country, and for our people,” ayon kay Cebu Archbishop-designate Uy.

Ayon sa pastol, layunin ng pagtitipon ang pagbubuklod ng mamamayan sa pananalangin para sa pagbabago ng puso ng mga halal na lider at lahat ng lingkod-bayan upang tunay na maisulong ang kabutihang panlahat at matuldukan ang talamak na korapsyon.

Inaanyayahan ni Bishop Uy ang mga Boholano na magkaisang manindigan para sa bansang Pilipinas.

“This Sunday, September 21, 2025, let us all wear white—a sign of peace and purity. I invite every Boholano to unite in working for peace and for integrity, not only in public service but also in the way we live our private lives,” dagdag ng obispo.

Ang Lihok Bol-anon ay isang inisyatibo mula sa simbahan, akademya, at mga Civil Society Organizations sa pangunguna ng Bohol Initiatives for Good Governance (BIGG), na naglalayong ipahayag ang mariing pagkundena sa malawakang korapsyon, lalo na sa paggamit ng pondo ng bayan, partikular na ang kasalukuyang isyu ng maanomalyang flood control projects.
Binigyang-diin ng mga convenors ng pagtitipon na ito ay isang non-partisan at non-political na hakbang, at isang nagkakaisang panawagan para sa katapatan, pananagutan, katarungan, responsibilidad, at tunay na paglilingkod sa kapwa.

Magsisimula ang pagtitipon sa alas-tres ng hapon mula sa iba’t ibang lugar sa Tagbilaran City, at magtatapos sa Plaza Rizal sa harap ng St. Joseph the Worker Cathedral Shrine. Magkakaroon ng mga pagtatanghal at talumpati, at magtatapos ang gawain sa isang Prayer and Lighting Ceremony of Hope na pangungunahan ni Archbishop-designate Uy.

Kasabay ng Lihok Bol-anon, magsasagawa rin ng malawakang pagkilos sa EDSA People Power Monument sa Quezon City na lalahukan ng mga obispo, pari, at relihiyoso sa ilalim ng “Trillion Peso March.”

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 4,672 total reads

 4,672 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 58,878 total reads

 58,878 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 95,669 total reads

 95,669 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 127,975 total reads

 127,975 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 178,634 total reads

 178,634 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 240,252 total reads

 240,252 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top