Pagpapaalab ng debosyon sa banal na eukaristiya, isinulong ng Diocese of Kidapawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,531 total reads

Binibigyang-diin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pangangailangang buhayin muli ang malalim na debosyon ng mananampalataya sa Banal na Eukaristiya, na itinuturing na sentro ng buhay at misyon ng simbahan.

Sa ginanap na Diocesan Eucharistic Revival and Adoration Congress, sinabi ng obispo na nakatuon ang paglalakbay ng diyosesis at ng Gagmay’ng Kristohanong Katilingban (GKK) o Basic Ecclesial Communities sa pagbabalik sa tunay na presensya ni Kristo sa Eukaristiya.

“Nais naming ibalik ang mamamayan ng Diocese of Kidapawan sa malalim na pagmamahal at pagpapahalaga sa Banal na Eukaristiya. Ang sentro ng aming simbahan at ng aming pagiging sambayanan ay walang iba kundi ang Eucharist, the origin and the source of our life,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Bahagi ng adhikain ng diyosesis ang pagpapaigting ng debosyon sa Blessed Sacrament, lalo na sa mga adoration chapels ng iba’t ibang parokya.

Umaasa ang obispo na sa pamamagitan ng masiglang pagdalo at pagninilay sa Eukaristiya ay muling manumbalik ang sigla ng pananampalataya ng mga Katoliko sa Kidapawan.

“Tatlo ang layunin namin: palalimin ang appreciation for the Holy Eucharist, ipaalala na ito ang sentro ng simbahan, at bumuo ng mga grupong may debosyon sa Blessed Sacrament,” dagdag ng obispo.

Tinatayang 17,000 mananampalataya ang nakiisa sa culminating activity ng isang taong pagsasagawa ng eucharistic adorations ng mga GKK bilang bahagi ng pagdiriwang ng Jubilee Year of Hope ng Simbahan ngayong 2025.

Pinuri ni Bishop Bagaforo ang malaking bilang ng lumahok at hinimok ang mas aktibong pakikibahagi sa mga pagdiriwang ng Banal na Misa, partikular tuwing Linggo.

Binigyang-diin ng obispo na layon ng eucharistic revival na tugunan ang pagbaba ng bilang ng dumadalo sa Misa, na aniya’y nasa humigit-kumulang 20 porsyento lamang.

“Umaasa kami na ang Eucharistic Adoration ay magbago at magpabanal ng buhay ng mga mananampalataya ng Diocese ng Kidapawan. Sana maging maka-Diyos tayo at higit sa lahat, maging makahulugan ang ating pagmamahal sa Banal na Misa,” giit ni Bishop Bagaforo.

Pinangunahan ni Bishop Bagaforo ang exposition of the Blessed Sacrament sa St. John Paul II Parish sa Amas, Kidapawan City, na sinundan ng isang Eucharistic Procession patungong Capitol Ground Complex kung saan sama-samang nagdiwang ng Banal na Misa ang libo-libong mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 15,950 total reads

 15,950 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 39,520 total reads

 39,520 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 76,021 total reads

 76,021 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 296,645 total reads

 296,645 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 330,409 total reads

 330,409 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top