IFMCP, nagpahayag ng suporta sa mamamayan ng Dupax del Norte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,808 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang Inter-Franciscan Ministers Conference of the Philippines (IFMCP) sa mga mamamayan ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, sa gitna ng mga pangyayari kaugnay ng pagpapatupad ng Writ of Preliminary Injunction at patuloy na pagmimina sa kabila ng malinaw na pagtutol ng komunidad.

Ayon kay IFMCP Chairperson at Order of Friars Minor (OFM) Minister Provincial Fr. Lino Gregorio Redoblado, hindi mananatiling tahimik ang grupo sa harap ng mga paglabag sa karapatan ng mamamayan at pagkasira ng kalikasan, bilang bahagi ng Simbahang naglalakbay kasama ng mga dukha at ng nilikhang daigdig.

“Hindi kami mananahimik kapag ang buhay ay nilalapastangan. Hindi kami uurong kapag ang lupa ay inaagawan ng tinig. Hindi kami tatalikod kapag ang sambayanan ay inaapi,” pahayag ni Fr. Redoblado.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang IFMCP kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao dahil sa malinaw nitong paninindigan para sa mga apektadong komunidad.

Sinabi pa ni Fr. Redoblado, ang katapangan at katatagan ni Bishop Mangalinao ay larawan ng isang obispong hindi natatakot magsalita kapag ang kanyang kawan ay nasasaktan, at handang manindigan kapag ang buhay, lupa, at dignidad ng tao ay nalalagay sa panganib.

“Ang kanyang tinig ay hindi lamang tinig ng isang obispo, kundi tinig ng isang Simbahang nagmamahal, nagbabantay, at nakikiisa,” ayon sa pari.

Mula sa pananaw ng mga Franciskano, binigyang-diin ng IFMCP na ang lupa ay hindi pag-aari na maaaring wasakin kundi tahanang dapat igalang at pangalagaan.

Paliwanag ng grupo, si San Francisco ng Assisi ay hindi tumingin sa sangnilikha bilang bagay na maaaring pagsamantalahan, kundi bilang kapwa nilalang na kasamang nagpupuri sa Diyos.

Nanawagan ang IFMCP sa Philippine National Police, Department of Environment and Natural Resources, Mines and Geosciences Bureau, at hudikatura na manaig ang paggalang sa karapatang pantao, transparency, at makataong katarungan sa pagharap sa mga usapin.

Tiniyak ng mga Franciskano ang patuloy na pakikiisa sa mga magsasaka, katutubo, kababaihan, kabataan, at sa nagkakaisang sambayanang nagtatanggol sa lupa at buhay.

“Hindi pagmimina ang huling salita. Hindi dahas ang huling sagot. Ang huling salita ay buhay. Ang huling salita ay pag-asa. Ang huling salita ay ang Diyos na nagkaloob ng lupa—hindi upang wasakin, kundi upang alagaan,” giit ng IFMCP.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 8,114 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 8,220 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 69,277 total views

 69,277 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 139,121 total views

 139,121 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 170,403 total views

 170,403 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 202,418 total views

 202,418 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 351,125 total views

 351,125 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 43,022 total views

 43,022 total views Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top