Maging mabuting pastol ng Diocese of Kalibo, pangunahing layunin ni Bishop-elect Villareal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,312 total views

Naniniwala si Kalibo Bishop-elect Fr. Cyril Villareal na ang pagkahirang bilang obispo ay hindi isang karangalan, kundi isang mabigat na pananagutan at malinaw na misyon ng paglilingkod sa Simbahang Katolika.

Aminado ang pari na nakaramdam siya ng takot at pag-aalinlangan nang ipabatid sa kanya ang appointment mula sa Vatican.

So actually, well, nakakatakot eh. Actually, yung pala pag tinatawag ka na maging obispo, hindi gano’n kadali. It’s not about honor… Alam mo yung naglalaban, yung feeling of being unworthy. Ang dami mo ring kahinaan. Tapos ang laki-laki ng office na ’to,” pahayag ni Bishop-elect Villareal sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon kay Bishop-elect Villareal, ang ganitong tawag ng paglilingkod ay higit na nangangailangan ng panalangin at pagninilay upang maisakatuparan nang tapat ang gawaing pagpapastol sa kawan na ipagkakatiwala sa kanya.

Sa kabila ng kanyang pangamba, lubos niyang ipinagkatiwala sa Panginoon ang mas malawak na misyon ng kanyang ministeryo bilang pari, lalo’t kinikilala ang biyaya ng Diyos ang patuloy na nagpanatili sa kanyang bokasyon sa loob ng mahigit dalawang dekada.

“Kung ako lang, wala na ako eh. It’s all about grace din talaga. If ever I am sustained in my ministry as a priest for more than 24 years, it’s all grace. ’Yon na lang ang hinahawakan ko. Hindi rin ako pababayaan ng Diyos,” ani Bishop-elect Villareal.

Bilang itinalagang pastol ng Diocese of Kalibo, malinaw ang kanyang pangunahing layunin, ang maging mabuting pastol at tapat na katiwala ng buong lokal na simbahan.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng patuloy na pakikinig kay Hesukristo bilang huwaran ng pagiging Mabuting Pastol.

“I will really try my best to be a Good Shepherd for Kalibo, for the priests, and for the faithful. I hope God will give me, and that I will always listen to the Good Shepherd so that He will teach me and give me wisdom and compassion, which I think would be needed to become a good shepherd for the people and the clergy of the Diocese of Kalibo,” giit ng bishop-elect.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang bagong hirang na obispo sa Archdiocese of Capiz, lalo na sa mga mananampalataya ng St. Thomas of Villanova Parish na kanyang pinaglingkuran nang mahigit isang taon.

Matatandaang itinalaga ni Pope Leo XIV si Bishop-elect Villareal bilang obispo ng Kalibo noong January 24, bilang kahalili ni Bishop Jose Corazon Tala-oc na nagretiro noong June 2025 matapos maabot ang mandatory retirement age.

Ipapastol ni Bishop-elect Villareal ang mahigit kalahating milyong Katoliko sa lalawigan ng Aklan, katuwang ang halos 80 pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 40,074 total views

 40,074 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 64,390 total views

 64,390 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 100,180 total views

 100,180 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 141,125 total views

 141,125 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 191,654 total views

 191,654 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top