Huwag umabuso sa kapangyarihan, paalala ni Bishop Villarojo sa 8-bagong pari ng Diocese of Malolos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,793 total reads

Binigyang-diin ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang kahalagahan ng integridad, kababaang-loob, at tapat na paglilingkod sa mga mananampalataya.
Ito ang mensahe ng obispo sa walong bagong paring inordinahan sa diyosesis, kasabay ng paalala laban sa pang-aabuso sa kapangyarihan at sa paghahangad ng pansariling pakinabang sa ministeryo.

Sa kanyang homiliya sa ordinasyon, inilarawan ng obispo ang pari bilang isang taong patuloy na hinuhubog ng Diyos o isang “obra” na nililikha ng Panginoon.
“Akala natin ang integridad ay pagiging buo. Tama po iyon. Ngunit tayo ay binubuo sa pamamagitan ng awa at biyaya ng Diyos. Tayo’y basag; pinag-oobra lang ng Panginoon. Pinag-oobra lang, kaya huwag sana tayong sumobra,” ayon kay Bishop Villarojo.

Paalala ng obispo sa mga bagong pari na ang kanilang bokasyon ay isang tawag sa paglilingkod at hindi sa paghahari o pag-abuso sa kapangyarihan.
Aniya, nawa’y taglayin ng bawat pari ang mga katangian ni Hesus sa paglilingkod sa kawan.

“Tayo’y pinag-oobra upang maging lingkod; huwag naman tayong sumobra at maging Panginoon. Tayo’y pinag-oobra upang maging pastol; huwag naman sana tayong sumobra at maging asong-gubat,” ayon pa sa obispo.

Binalaan din ni Bishop Villarojo ang mga pari laban sa materyalismo o anumang kapalit sa kanilang pagtupad sa tungkulin sa ministeryo.

“Tumanggap tayong walang bayad; magbigay din tayo nang hindi umaasa sa anumang kabayaran. Huwag tayong sumobra na bawat obra ay may kaukulang sobre,” aniya.
Ayon sa obispo, ang integridad ng isang pari ay hindi lamang nasusukat sa kanyang mga sinasabi kundi higit sa kanyang pamumuhay at sa pakikitungo sa mga taong ipinagkatiwala sa kanya ng Simbahan.

Iginiit din ng obispo na ang pakikipag-ugnayan ng mga pari sa kanilang nasasakupan ay dapat magbigay ng kakayahan at pag-asa sa iba, sa halip na lumikha ng pagdepende o pagmamanipula.

“Let your relations be empowering. Nagbibigay ng kapangyarihan. Nagbibigay ng kakayahan. Not creating dependencies that lead to manipulation,” ayon sa obispo.
Kasabay nito, nagbabala rin ang obispo laban sa paggamit ng impluwensya at katungkulan para sa pansariling kapangyarihan.

“Huwag nating gamitin ang kakayahang ito upang maglikom ng kapangyarihan o maging instrumento ng katiwalian,” saad ni Bishop Villarojo.

Binigyang-diin din ng obispo na ang bokasyon ng pagpapari ay hindi dahilan upang manatiling mahina o hindi nagsisikap na magbago, kundi isang paanyaya upang maging instrumento ng pagbabago sa sarili at sa lipunan.

Hinimok ni Bishop Villarojo ang walong bagong pari at ang buong sambayanan na patuloy na magtiwala sa biyaya ng Diyos at ialay ang kanilang buong sarili sa Kanyang kalooban.
Kabilang sa mga inordinahang pari sina Frs. Kelvin Yonell Cruz Alejandro, Wyntelmou Michiko Gabat Avila, Ariz Vargas De Castro, Mark Joseph Santos Lorenzo, Joshua Alfaro Reyes, RR Antoni Camorungan Reyes, Samuel Nicole Carpio Reyes, at Kristian Lum Tolentino.

Ginanap ang ordinasyon sa Immaculate Conception Cathedral Parish and Minor Basilica o Malolos Cathedral sa Malolos City.

Dumalo sa pagtitipon sina Bishop Bartolome Santos, Jr. (Iba) at Bishop Deogracias Iñiguez, Jr. (Kalookan), ang mga pari ng diyosesis, ang pamilya ng mga inordinahan, at ang mga mananampalataya

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 130,180 total reads

 130,180 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 173,347 total reads

 173,347 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 223,105 total reads

 223,105 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 382,299 total reads

 382,299 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 403,470 total reads

 403,470 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top