Gastos sa non-technical losses sa kuryente, hindi dapat ipasa sa consumers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,050 total reads

Nanindigan si dating Bayan Muna Party-list Representative at POWER Convenor Teddy Casiño na hindi dapat ipasa sa mga konsyumer ang gastos mula sa non-technical systems loss sa kuryente.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, ipinaliwanag ni Casiño na ang systems loss ay tumutukoy sa kuryenteng nawawala habang ipinapadala ito mula sa planta hanggang sa mga tahanan na nahahati sa technical loss, na dulot ng mismong operasyon ng electrical system, at non-technical loss, na maaaring sanhi ng pagnanakaw ng kuryente, sirang metro o illegal connections.

Para kay Casiño, dapat balikatin ng mga distributor ang non-technical losses dahil bahagi ito ng kanilang responsibilidad na bantayan ang kuryenteng kanilang ibinebenta.
“Matagal na nating sinasabi na at the minimum, ‘yung non-technical systems loss o ‘yung non-technical, dapat ‘yan sagot na ng mga distributors ‘yan. Kasi pananagutan nila ‘yan kung hindi nila nababantayan ‘yung, right, ‘yung pagnanakaw ng kanilang produkto na ibinebenta.” Bahagi ng pahayag ni Casiño sa Radyo Veritas.

Nanawagan din si Casiño ng masusing pagsusuri sa paraan ng pagkukuwenta ng systems loss upang matiyak na tama at lehitimo ang mga ipinapasa sa consumers.
“Kailangan nating busisiin ’yan, kasi baka naman may mga bagay na nilalagay nila as systems loss pero hindi naman talaga dapat kategorya ng systems loss ito.” Dagdag pa ni Casiño.

Ayon kay Casiño, kung patuloy na sasagutin ng consumers ang losses, maaaring mawalan ng insentibo ang mga power company na pagbutihin ang kanilang operasyon at maiwasan ang inefficiencies.
“Kung sasagutin lang palagi ’yan ng consumers, eh magiging parang incentive pa man na maging inefficient ang mga power companies.” Ayon pa kay Casiño

Iginiit din ni Casiño na mahalagang balikan ang polisiya sa systems loss upang matiyak na makatarungan ang singil sa kuryente at hindi basta-basta naipapasa sa mga konsyumer ang pananagutan ng mga power distributor.

Sa pananaw ng Simbahan, ang usapin ng patas na singil at pananagutan sa paggamit ng pangunahing serbisyo ay nakaugnay sa kabutihang panlahat at dignidad ng bawat pamilya, lalo na ng mga mahihirap na higit na naaapektuhan ng mataas na gastusin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 82,146 total reads

 82,146 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 113,875 total reads

 113,875 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 215,701 total reads

 215,701 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 256,261 total reads

 256,261 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 273,329 total reads

 273,329 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 54,896 total reads

 54,896 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top