Arbores Gratiarum, inilunsad ng Living Laudato Si’ Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,735 total reads

Inilunsad ng Living Laudato Si’ Philippines ang Arbores Gratiarum o Trees of Thanksgiving, kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagtatampok ng Krus na Banal.

Ito ay isang pitong-taong programa na naglalayong palawakin ang kultura ng pagpapaigting ng pangangalaga sa mga puno at kagubatan.

Ayon kay Rodne Galicha, executive director ng Living Laudato Si’ Philippines, layunin ng kampanya na tiyaking hindi matatapos sa pagtatanim lamang ang pangangalaga sa kalikasan, kundi masusubaybayan ang paglago at kaligtasan ng mga punong itinanim.

“In the face of this continuing loss, we want to help build a culture not only of planting, but of growing, sustaining, protecting and restoring,” ayon kay Galicha.

Sa ilalim ng programa, hinihikayat ang bawat kalahok na mag-alaga ng pitong puno bawat taon sa loob ng pitong taon, o kabuuang 49 na puno hanggang 2033.

Naniniwala si Galicha na kung magtutulungan ang mahigit isang bilyong Katoliko sa mundo ay mapapanauli ang kalagayan ng kalikasan na lubhang napinsala dahil sa kapabayaan at mapang-abusong gawain ng tao.

Binigyang-diin ni Galicha na higit pa sa dami ng mga punong maitatanim ang nais masukat ng programa, kabilang ang kanilang kakayahang mabuhay, lumago at maging bahagi ng mga kagubatan at ecosystem.

“But this is not simply about planting or counting trees. We want to journey with them — to know how many take root, survive, grow, and become part of living forests and ecosystems,” aniya.

Ang paglulunsad ng programa ay bahagi rin ng pagdiriwang ng Season of Creation na sinimulan noong September 1 hanggang sa ikalawang Linggo ng Oktubre.

Iniuugnay rin ng Living Laudato Si’ Philippines ang inisyatiba sa pananampalataya sa pamamagitan ng panawagang “From the wood of the Cross to living trees of thanksgiving.”

Hinihikayat ng grupo ang mga pamilya, parokya, paaralan, komunidad, organisasyon, at institusyon na makibahagi sa pitong-taong paglalakbay ng pagtatanim, pagpapalaki, at pangangalaga ng mga puno hanggang 2033.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 26,394 total reads

 26,394 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 134,534 total reads

 134,534 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 179,204 total reads

 179,204 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 201,410 total reads

 201,410 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 237,157 total reads

 237,157 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top