Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi pagpapahalaga sa mga magsasaka, dahilan ng food shortage sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 895 total views

Nanindigan ang Philippine Network of Food Security Programmes, Incorporated (PNFSP) na ang mababang budget ng Department of Agriculture (DA) at kawalang pagpapahalaga sa mga magsasaka ang ugat sa kakulangan ng suplay ng bigas sa Pilipinas.

Ayon kay P-N-F-S-P Executive Director Sharlene Lopez, kung mabibigyan lamang ng lupang sakahan ang mga magsasaka at madaragdagan ang pondo ng D-A ay malaki ang posibilidad na maging “rice self-sufficient ang bansa sa loob ng tatlong taon.

“Yung pagbaba ng budget na nakalaan para sa agrikultura, yun ang may mas malaking impact sa mga magsasaka. Ang panawagan nga namin ay lakihan ang budget ng gobyerno na nakalaan para sa mga magsasaka para mabigyan ng sapat na services, farm to market roads, pre and post harvest facilities yung mga magsasaka. Kasi kahit ma-ban yung unli rice ay hindi naman yon magkakaroon ng significant impact para makamit yung rice self-sufficiency,”pahayag ni Lopez.

Mababatid na bumaba ng tatlong bilyong piso ang budget ng DA mula sa 48.9-bilyon noong 2016 sa 45.3-bilyong piso budget ngayong taon.

Binigyang-diin din ni Lopez na kung kakalas ang Pilipinas sa pagiging miyembro ng World Trade Organization at mas tutukan ang tanim ng mga Filipinong magsasaka ay hindi kakailangain pang mag-angkat sa ibang mga bansa.

Sa isinagawang pagdinig sa senado tungkol sa rice importation, ipinanukala ni Senator Cynthia Villar ang pagtatanggal ng unlimited rice promos sa mga fast food chains dahil nakapagdudulot ng sakit ang pagkain ng ‘well-milled rice’ at pagsuporta sa layunin ng D-A na matamo ng bansa ang kasapatan sa suplay ng bigas sa taong 2020.

Isa din sa mga dahilan ng kakulangan sa supply ng bigas ang laganap na corruption sa pagitan ng mga opisyal ng gobyerno at mga ahensiya na dapat nagsusulong sa magandang kalagayan ng mga magsasaka at repormang agraryo.

Read: http://www.veritas846.ph/pakikisabwatan-ng-dar-bataan-sa-isang-development-corporation-inalmahan/

Sa kanyang mensahe sa National Federation of Farmers ng Italya, kinilala ni Pope Francis ang kahalagahan ng mga magsasaka dahil hindi mabubuhay ang tao kung wala ang kanilang paghihirap at presensya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 14,543 total views

 14,543 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 25,673 total views

 25,673 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 51,034 total views

 51,034 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 61,578 total views

 61,578 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 82,429 total views

 82,429 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Online gambling, kinundena ng CBCP

 10,001 total views

 10,001 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Listahan ng mga bagong opisyal ng CBCP

 18,485 total views

 18,485 total views Kasabay ng paghalal sa mga bagong pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naghalal din ng mga bagong chairperson sa mga

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 59,544 total views

 59,544 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 85,359 total views

 85,359 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 126,671 total views

 126,671 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top