Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Human Rights Council, itatatag sa Diocese of Kalookan

SHARE THE TRUTH

 229 total views

Itatatag ng Diocese of Kalookan ang isang Human Rights Council na tututok at magbabantay sa tumataas na insidente ng pagpatay sa CAMANAVA o Caloocan, Malabon,Navotas at Valenzuela area.

Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Cultural Heritage of the Church at incoming CBCP Vice-President, bubuuin ang Human Rights Council ng mga kinatawan mula sa local government units, Simbahan at mga civil society groups.

Positibo si Bishop David na sa pamamagitan ng H-R-C ay mas madaling mamo-monitor at mababantayan ang imbestigasyon at pag-usad ng kaso ng pagpatay ng mga vigilante group sa CAMANAVA.

“Kailangan talaga ng imbestigasyon at kaya nagbabalak kami na magtayo ng Human Rights Council, sisimulan namin sa Caloocan sana sa bawat bayan magkaroon ng ganoon, parang a Human Rights Council na represented yung local government units, yung Simbahan at ang ibang mga civil society groups para namo-monitor natin itong mga killings…”pahayag ni Bishop David sa panayam sa Radio Veritas.

Unang ibinahagi ni Bishop David ang pakikipagpulong sa mga alkalde ng Navotas, Caloocan at Malabon na tatlong lungsod na nasa ilalim ng Diocese of Caloocan upang hinimukin ang mga itong puspusang isulong ang imbestigasyon at pagbibigay katarungan sa mga kaso ng pagpatay sa tatlong siyudad.

Paglilinaw ng Obispo, kaisa ng pamahalaan ang Simbahan sa pagkondina at pagnanais na puksain ang paglaganap ng illegal na droga na maituturing na isang salot sa lipunan ngunit hindi dapat sa pamamaraang marahas at hindi makatao.

Kaugnay nito, batay sa huling tala ng Philippine National Police sa mahigit na 60-libo anti-drug operations ay umaabot na sa higit sa 3-libo ang mga napaslang matapos lumuban sa mga otoridad habang mahigit sa apat na libo ang kaso ng extra-judicial killings sa war on drugs ng pamahalaan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 14,334 total views

 14,334 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 23,002 total views

 23,002 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 31,182 total views

 31,182 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 27,196 total views

 27,196 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 39,247 total views

 39,247 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 7,825 total views

 7,825 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top