Pagbisita ni Pope Francis sa Morocco, inaasahang magbubuklod sa mga Kristiyano at Muslim

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 629 total reads

Umaasa ang Arsobispo ng Rabat sa Morocco na maging mabunga ang pagdalaw ng Kan’yang Kabanalan Francisco.

Tiwala si Rabat Archbishop Cristobal Romero na mas mapapalakas ang diwa ng pagkakaisa sa mamamayan ng Morocco at mapapaigting ang mga programang magbubuklod sa mga Kristiyano at buong pamayanan ng Morocco.

“I trust that Pope Francis’ visit will ratify us in this endeavor and will encourage us to continue to have this dialogue of friendship, love and mutual understanding towards Muslim brothers and sisters,” pahayag ni Arhcbishop Romero sa Radio Veritas.

Hinimok ng Arsobispo ang mananampalataya sa Morocco na makiisa sa mga pagdiriwang at mga gawain sa pagbisita ng Santo Papa sa kanilang bansa upang maipakikita sa Pinunong Pastol ng Simbahang Katolika ang pagkakaisa at mainit na pagtanggap.

Nakatakda ang pagbisita ni Pope Francis sa Morocco sa ika – 30 hanggang 31 ng Marso batay na rin sa paanyaya ni King Mohemmed VI ang pinuno ng bansa.

Ilan sa mga nakatakdang gagawin ni Pope Francis sa dalawang araw na pagbisita ang pakikipagpulong sa mga migranteng Sub-Saharan, interreligious meeting, pagdalaw sa Formation Institute ng mga Imam at ilan pang tagapagturo ng Islam sa Morocco.

Dito ay ipinababatid ng mananampalatayang Katoliko na tayo ay nakikiisa sa bawat mamamayan sa mundo sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw at pananampalataya.

Bibisitahin din ni Pope Francis ang Caritas Center sa Rabat upang makihalubilo sa mga manggagawa at volunteers dito at ang Rural Center for Social Services sa Temara Morocco.

Nakatakda ring makipagpulong ang Santo Papa sa mga Pari at relihiyoso sa Arkidiyosesis kasama ang ilang Ecumenical Council of Churches ng Rabat at Banal na Misa na dadaluhan ng mga Kristiyano sa nasabing bansa.

Batay sa tala, may 30 milyon ang populasyon sa Morocco kung saan higit isang porsyento lamang dito ang mga Katoliko.

Hinimok din ni Archbishop Romero ang mga Overseas Filipino Worker sa nasabing bansa na makipagkaisa sa pagtanggap kay Pope Francis at ipagpatuloy ang pakikisalamuha sa mga Muslim lalo na sa kanilang mga trabaho.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 126,855 total reads

 126,855 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 170,295 total reads

 170,295 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 220,051 total reads

 220,051 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 379,247 total reads

 379,247 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 400,588 total reads

 400,588 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top