Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kaligtasan ng environmental defenders, ipinagdasal ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 43,364 total views

Sumentro sa pangangalaga sa kalikasan ang isiganagawang monthly prayer meeting ng Council of the Laity at Radio Veritas sa pangunguna ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo.

Kabilang sa ipinagdasal ng Obispo ang mga environment defenders na humaharap sa mga banta sa buhay dahil sa pagtatanggol sa kalikasan.

Bukod dito, nanawagan din ng panalangin ang Obispo upang mapigilan ang pagtatayo ng Kaliwa dam sa Sierra Madre na nasasakupan ng Prelature of Infanta sa Quezon.

Umaasa ang Obispo na sa pamamagitan ng panawagan ng mamamayan ay maisusulong ang pangangalaga sa kalikasan at ang pakikipaglaban ng mga katutubo sa Quezon para sa kanilang lupaing minana.

“Bahagi po ng ating pangangalaga sa kalikasan ay yung advocacy na panindigan natin at ating panawagan na tanggalin ang mga masamang gawain, at yan po ay ang paggagawa ng dam sa sierra madre, sisirain ang higit na 500 hectares na forest para gawan ng dam, at masama don ang mga katutubo natin mawawalan sila ng kanilang ancestral lands.” pahayag ng Obispo sa Online Prayer meeting sa Radyo Veritas.

Dahil dito, hinimok ni Bishop Pabillo ang mananampalataya na makiisa at lumagda sa kampanyang 10 Million Signature Campaign – No to Kaliwa Dam sa pangunguna ng Save Sierra Madre Network Alliance, kasama ang Prelatura ng Infanta.

Kasabay ng pagdiriwang ng Season of Creation ngayong Septyembre hanggang ika-4 ng Oktubre, unang naglabas ng Pastoral Letter si Bp. Bernardino Cortez ng Prelatura ng Infanta bilang panawagan ng pakikiisa sa signature campaign.

“Come September until October 4, 2019 we will celebrate the Season of Creation. This is the time to promote and expound our Pastoral Letter – “An Urgent Call for Ecological Conversion, Hope in the Face of Climate Change. In spirit of solidarity for “our common home” (Pope Francis) and in this regard, may we present to you our appeal and campaign: NO TO KALIWA DAM! We ask you, your ecology ministry, earth ministry desk to support us in our 10 Million Signature Campaign – No to Kaliwa Dam.” Bahagi ng liham pastoral ni Bishop Cortez.

Tinatayang aabot sa 500 hektaryang kagubatan ang masisira sa kabundukan ng Sierra Madre kung matutuloy ang pagtatayo ng Kaliwa Dam.

Umaasa ang simbahan at mga makakalikasang grupo na didinggin ng pamahalaan ang panawagan upang mapangalagaan ang kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 4,862 total views

 4,862 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 12,962 total views

 12,962 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 30,929 total views

 30,929 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 60,312 total views

 60,312 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 80,889 total views

 80,889 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Veritas NewMedia

Pagpaslang sa Forest Ranger, kinondena

 43,365 total views

 43,365 total views Kinondena ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC) ang pagpatay kay Department of Environment and Natural Resouces (DENR) Forest Ranger Bienvinido “Toto” Veguilla, Jr.

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Sagipin ang kalikasan

 43,383 total views

 43,383 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng kagyat na pagbabago para sa kalikasan. Sa inilabas na Pastoral Statement on the Environment

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top