Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bureaucracy, mabubuwag sa pagtatatag ng Department of OFW

SHARE THE TRUTH

 263 total views

Umaasa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na tuluyan nang mabuwag ang burukrasya at palakasan sa pagtatatag ng Department of OFW.

Pinuri ni CBCP-ECMIP chairman Balanga Bishop Ruperto Santos ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pangakong pagtatayo ng isang ahensya na tututok sa pangangailangan ng Overseas Filipino Workers.

Ayon kay Bishop Santos, maganda ang naturang pangako ng pangulo upang maipadama ang pagpapapahalaga sa mahigit 15-milyong OFWs na biktima ng maduming burukrasya.

“Ang kanilang pangangailangan, at kanilang pangangalaga ay matitingnan dun sa agency na itatayo. Maganda ito na kung saan maiiwasan ang ‘bureaucracy,’ maiiwasan ang pagbibiyahe, masasayang na oras, at panahon at sila ay matutukan sa kani – kanilang pangangailangan,”pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Inihayag ni Bishop Santos na maliligtas na rin ang mga OFW sa banta ng illegal recruitment sa bansa.

Kasunod nito, hiniling ng Obispo sa pamahalaan na panagutin ang kawani ng pamahalaan na nang – aabuso sa mga manggagawang migrante.

“Tayo rin ay natutuwa, tayo ay sumusuporta sa kanilang balakid kung saan ang illegal recruitment at ang human trafficking ay talagang pananagutin at dapat silang parusahan at talagang protektahan ang ating mga OFW,” giit ni Bishop Santos sa Veritas Patrol.

Nauna ng nauunawaan ni Pope Francis ang sakripisyong iginigugol ng mga OFWs maibigay lamang ang magandang kinabukasan sa kanilang pamilya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MISALIGNED

 6,171 total views

 6,171 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 24,742 total views

 24,742 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 50,245 total views

 50,245 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 61,046 total views

 61,046 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila calls for donation

 943 total views

 943 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 77,429 total views

 77,429 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 103,244 total views

 103,244 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 140,122 total views

 140,122 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567