Drug rehab program ng Simbahan, susuportahan ng Association of Filipino Franchisers Incorporated

SHARE THE TRUTH

 209 total views

Nakahanap ng suporta ang Simbahang Katolika mula sa Association of Filipino Franchisers Incorporated (AFFI) para sa livelihood program ng Caritas Restorative Justice Ministry para sa mga sumukong drug addicts at pushers.

Ayon kay AFFI chairman of the board, Armando “Butz” Bartolome, nakahanda ang kanilang sektor na binubuo ng mahigit 210 miyembro at 35 outlets na lumikha ng 220- libong trabaho sa buong bansa na magbigay ng livelihood orientation workshops sa mga itatayong community based rehabilitation program.

Paliwanag pa ni Bartolome bago pa mag – umpisa ang kampanya ng pamahalaan kontra – ilegal na droga ay matagal na rin silang nakikiisa upang magbigay ng libreng pagsasanay sa mga kabataan na maging young entrepreneurs at magkaroon ng disenteng mapag – kakakitaan.

Sinabi ni Bartolome na patuloy nilang ipinagtitibay ang adbokasiya ng CSR o corporate social responsibility na maibahagi ang kanilang kaalaman sa nakakaraming Pilipino na hindi lamang lumikha ng isang propaganda o pagpapakitang – tao lamang kundi may konkretong pagpapa – plano.

“More of our entrepreneurs here, members are social advocates, we want to think na not only making a profit but also sharing the blessing. We also encourage corporate social responsibility and that something most of us, we have our own share na CSR, not because of propaganda in fact we don’t really want any propaganda but we want to cater to people…We are all out if it is for the good of all especially for the mankind,” bahagi ng pahayag ni Bartolome sa panayam ng Veritas Patrol.

Samantala, nabatid na nasa 1.2 milyong bahay na ang nakatok sa ilalim ng Oplan Tokhang, kung saan 721,067 na drug personalities na ang sumuko.

Nauna na ring inilunsad ng Caritas Manila RJ ministry ang SANLAKBAY na tutugon sa pagbibigay ng spiritual formation sa mga drug surrenderees na nauna ng ipinanawagan ni Caritas Internationalis president at Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 35,028 total views

 35,028 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 77,242 total views

 77,242 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 92,793 total views

 92,793 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 105,932 total views

 105,932 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 120,344 total views

 120,344 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 10,131 total views

 10,131 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 52,820 total views

 52,820 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 78,635 total views

 78,635 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 120,910 total views

 120,910 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top