Labanan ang kasinungalingan, hamon ng Apostolic Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 691 total reads

Hinimok ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang mananampalataya na manindigan sa katotohanang hatid ng Panginoong Hesus.

Ito ang pagninilay ng kinatawan ni Pope Francis sa pagdeklarang Minor Basilica ng La Inmaculada Concepcion Parish sa Sta. Maria Bulacan.

Ayon kay Archbishop Brown, ang Mahal na Birheng Maria ang ina ng katotohanan kaya’t mahalagang pagyamanin ang pakikipag-ugnayan sa kanyang anak na si Hesus upang mapaglabanan ang kasinungalingang ipinalalaganap sa lipunan.

“Mary is the Mother of truth; let us be children of the truth, let us be disciples of Jesus, let us follow his way of truth and life through Mary and together with Mary,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Ipinaliwanag ng nuncio na ang paggawad bilang minor basilica ng simbahan ay tanda ng pagiging kaisa ng parokya sa Roma at sa Santo Papa.

Sa panayam ng Veritas Patrol kay Archbishop Brown, ibinahagi nitong biyaya ng pananampalataya ang Minor Basilica and Parish of La Purisima Concepcion lalo’t ipinagdiriwang ng bansa ang ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo kung saan isa sa simbolo ng paglago ang mga simbahan sa bansa.

“It is a gift of faith to the Filipinos, the beauty of the church; it is also a spiritual gift from the Holy Father to the Diocese of Malolos,” ani Archbishop Brown.

Sinabi naman ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na isang hamon ng pagmimisyon ang pagkakatalagang basilica ng simbahan upang higit na lumagap ang pananampalatayang nakaugat kay Kristo.

“We are challenge to be missionaries wherever we find ourselves in,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Sinabi ng cardinal na napapanahon ang pagdeklara ng basilica sa pagsisimula ng simbahan sa pangunguna ni Pope Francis ng ‘synodal journey’ sa temang ‘“For a Synodal Church: Communion, Participation, and Mission’.

Itinuring naman ni Basilica Rector Msgr. Alberto Suatengco na isang himala ng Mahal na Birhen ang pagdeklarang basilica makalipas ang 230 taon ng simbahan.

Itinatag ng mga Franciscanong misyonero ang simbahan ng La Inmaculada Concepcion noong 1792.

Ito rin ang ikalawang simbahan ng diyosesis na itinalang minor basilica kasunod ng Malolos Cathedral.

Sa kasalukuyan may 19 na simbahan sa Pilipinas ang itinalaga ng Vatican bilang minor basilica.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 129,496 total reads

 129,496 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 172,699 total reads

 172,699 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 222,455 total reads

 222,455 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 381,651 total reads

 381,651 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 402,860 total reads

 402,860 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top