Health caravan, isasagawa sa mga Diyosesis at Arkidiyosesis sa Visayas at Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 665 total reads

Nagpapatuloy ang health caravan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care, Caritas Philippines at Ritemed Philippines.

Idinaos ngayong araw ang medical mission sa Minor Basilica of the Immaculate Conception, sa Diocese of Malolos Bulacan.

Isinagawa ang libreng konsultasyon sa 600 na Baranggay Health Workers, Church Volunteers at iba pang mamamayan na maysakit sa Diyosesis.

Ayon kay Father Dan Cancino – Executive Secretary ng CBCP-ECHC na nanguna sa misang idinaos bago magsimula ang medical mission, mahalaga ang inisyatibo upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga indibidwal na nangangalaga din sa kalusugan ng kapwa.

“Sana malusog din ang ating mga doktor, mga nurse, ang ating mga baranggay health care workers, ang ating mga community health frontliners, ang ating mga parish-based health volunteers, sana malusog din tayo lahat kasi ito yung tawag natin na ang kalusugan ay isang biyaya, ito ay isang grasya ng ating Panginoong Diyos dapat nating pangalagaan, kapag pinangalagaan natin ang kalusugan, pinapangalagaan natin ang buhay, buhay natin, buhay din ng ibang tao,” pahayag sa Radio Veritas ni Father Cancino.

Itinuring naman na biyaya ni Father Arvin Jay Jimenez – Parochial Vicar ng Minor Basilica of the Immaculate Conception at Vice-Chancellor ng Diocese of Malolos ang medical mission dahil sa pagbibigay nito ng pagpapahalaga sa kalusugan ng mga lingkod ng simbahan at pamahalaan.

Nangako naman si Edwin Nicolas – Operations Manager ng Ritemed Philippines ng patuloy na pakikipagtulungan sa simbahang katolika upang makakamit ng bawat Pilipino ang ligtas at abot-kayang halaga ng mga gamot.

Ito na ang ika-anim at huling medical mission ng Ritemed Philippines na unang idinaos sa Quezon City, Mandaluyong , Batangas, Pampanga at Laguna bilang paggunita ng kanilang ika-20 anibersaryo ngayong 2022.

Patuloy naman ang pakikipagugayan ng Ritemed at Unilab sa mga diyosesis sa Visayas at Mindanao upang maidaos o mapalawig ang medical missions.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 116,057 total reads

 116,057 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 160,200 total reads

 160,200 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 209,953 total reads

 209,953 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 369,150 total reads

 369,150 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 390,987 total reads

 390,987 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top