Seasons of Creation: Ipagmalaki ang lahing Katutubo!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,129 total views

Hinimok ng dating obispo ng Diocese of Novaliches ang mamamayan na lingapin at pahalagahan ang mga katutubo sa bansa.

Ayon kay Bishop Antonio Tobias malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga katutubo lalo na sa pangangalaga ng kalikasan.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples’ Sunday nitong October 9, ang huling araw ng pagdiriwang ng Season of Creation sa Pilipinas.

“Pahalagahan natin ang mga katutubo, huwag natin sila balewalain at pabayaan sapagkat kapwa natin sila. Kasama dapat ang mga katutubo sa pagsulong at pag-unlad ng ating komunidad,” pahayag ni Bishop Tobias sa Radio Veritas.

Sinabi ng opisyal na katuwang ng pamayanan ang mga katutubo sa pagpapanatili ng magandang kapaligiran na kapaki-pakinabang sa mamamayan.

Umaasa rin si Bishop Tobias na patuloy na isabuhay ng mga katutubo ang kanilang pagkakakilanlan kahit sa mga mauunlad na lugar na mapupuntahan upang mapanatili ang kultura.

“Huwag sana nilang ikahiya at itatatwa ang pagiging katutubo bagkus dapat ipagmalaki,” giit ni Bishop Tobias.

Matatandaang July 1978 sa pagtitipon ng mga obispo sa bansa nang mapagkasunduan na italaga ang Indigenous Peoples’ Sunday tuwing ikalawang Linggo ng Oktubre.

Batay sa tala ng United Nations Development Program tinatayang nasa 14 hanggang 17 milyon ang bilang ng mga katutubo sa Pilipinas na kasapi sa 110 ethno-linguistic groups.

Sa bilang 33-porsyento ay mula sa Northern Luzon kabilang na sa Cordillera Administrative Region; 61 porsyento sa Mindanao habang ilang porsyento naman sa Visayas.

Kasabay ng pagdiriwang sa Linggo ng mga Katutubo ay ang pagtatapos ng pagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas ng Season of Creation bilang pagpaparangal sa gawain ng mga katutubo bilang ‘frontliners’ ng kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 135,837 total views

 135,837 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 135,837 total views

 135,837 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 135,837 total views

 135,837 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 131,892 total views

 131,892 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 120,335 total views

 120,335 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top