Nasawi sa COVID 19 at nagdurusa sa mga karamdaman, ipinagdasal sa grand procession ng La Naval de Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 703 total reads

Pinaalalahanan ng mga Dominicano ang mananampalataya na patuloy gumagabay ang Birheng Maria sa ating paglalakbay.

Ito ang mensahe ni Santo Domingo Convent Prior Dominican priest Fr. Roger Quirao sa matagumpay na muling pagdaraos ng grand procession ng La Naval de Manila noong October 9.

Ipinaliwanag ni Fr. Quirao na ang Mahal na Birhen ang liwanag na gumagabay sa sangkatauhan tungo kay Hesus.

“Huwag nating kalimutan na patuloy tayong sasamahan ng Mahal na Ina sa ating pang-araw araw na paglalayag at pagharap sa bawat hamon ng buhay sapagkat siya ang talang nagbibigay ng liwanag sa ating daang tinatahak,” bahagi ng mensahe ni Fr. Quirao.

Matagumpay na idinaos ang prusisyon ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo – La Naval de Manila kasama ang halos 30 mga imahe at santo ng simbahan makalipas ang dalawang taong pagpaliban bunsod ng COVID-19 pandemic.

Nagpasalamat ang mga Domikano sa mga deboto at lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang maayos na prusisyon at pinuri ang pagsasabuhay ng mga Pilipino sa pagiging Pueblo Amante de Maria.

Dalangin ni Fr. Quirao ang patuloy na pamamagitan ng Mahal na Ina upang tulungan ang bawat tao na nahaharap sa matinding hamon na pinalala ng pandemya.

“Nawa’y patuloy tayong gabayan at ipamagitan ng Mahal na Ina sa ating Panginoong Hesus,” ani Fr. Quirao.

Tampok sa kapistahan ng La Naval de Manila ang paglunsad sa official logo bilang pagdiriwang sa ika – 50 anibersaryo ng pagiging patron ng Santo Rosaryo sa Quezon City na unang idineklara noong 1973 na pinagtibay ni Santo Papa, St. Pope Paul VI noong 1974.

Ang imahe ng Santo Rosaryo ng La Naval ang kauna-unahang ginawaran ng canonical coronation sa kautusan ni Pope Pius X noong 1906 na sinundan ng koronasyon sa taong 1907.

Bago matapos ang selebrasyon naglaan ng ilang segundong katahimikan ang mga deboto ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo La Naval de Manila para ipanalangin ang mga nasawi sa pandemya gayundin ang patuloy na nagdurusa sa karamdaman at karahasan iba’t ibang panig ng mundo.

Batay sa kasaysayan hiniling ng Mahal na Birheng Maria kay St. Dominic – tagapagtatag ng Order of Preachers na dasalin ang santo rosaryo para sa kapayapaan at pagbubuklod ng bawat pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 115,453 total reads

 115,453 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 159,638 total reads

 159,638 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 209,391 total reads

 209,391 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 368,588 total reads

 368,588 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 390,438 total reads

 390,438 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top