Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isa pang obispo, dismayado sa SC ruling on Marco burial

SHARE THE TRUTH

 204 total views

Nagpaabot ng pakikiisa at pakikidalamhati si Diocese of Sorsogon Bishop Arturo Bastes – Chairman, CBCP Episcopal Commission on Mission sa mga pamilya at biktima ng Martial Law.

Reaksyon ito ng Obispo, matapos ang naging desisyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani kahapon.

Pagbabahagi ni Bishop Bastes, tunay na nakadidismaya ang naturang desisyon lalo’t hindi pa rin nabibigyang katarungan ang sinapit ng mga Martial Law Victims na kinulong, tinorture at pinatay dahil sa hindi pagsang-ayon sa mga patakaran ng rehimeng Marcos.

“I symphatize with the victims of the Martial Law and until now I think the relatives they still don’t have justice because of that I am very disappointed with the result of the Supreme Court decision and I symphatize with all the Martial Law victims whom I have known…” ang pahayag ni Bishop Bastes sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nga nito, September 23, 1972 ng malaman ng mga mamamayang Pilipino na nagsimula na ang Martial Law o Batas Militar ngunit September 21, 1972 ang opisyal na petsang nakasulat sa Proclamation 1081.

Batay sa tala, sa ilalim ng Martial Law, tinatayang aabot sa higit 3,200 ang pinaslang habang tinatayang umaabot naman sa higit 75,000 indibidwal mula sa buong bansa ang lumapit sa Human Rights Claims Board na biktima ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Batas Militar.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 23,343 total views

 23,343 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 34,507 total views

 34,507 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 70,785 total views

 70,785 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 88,587 total views

 88,587 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567