Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang Pasko ay biyaya ng presensiya ng Diyos sa sanlibutan.

SHARE THE TRUTH

 1,489 total views

Ito ang mensahe ni Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Communication (CBCP-ECSC) sa tunay na diwa ng pasko.

Ang Pasko ay ginugunita ng mga Katoliko mula ika-25 ng Disyembre sa pasko ng pagsilang ni Hesus hanggang ika-8 ng Enero na Pagdiriwang ng Pagbibinyag kay Hesus.

Ayon sa Obispo, natatangi ang regalo ng presensya ng Diyos sa katauhan ng kanyang bugtong na anak na si Hesus na siya ring nagsisilbing katuparan ng kanyang pangakong kaligtasan para sa sanlibutan.

“Ang Pasko ay tungkol sa biyaya ng PRESENSIYA sa paraang natatangi, ito ay tungkol sa regalo ng PRESENSIYA ng Diyos sa atin, ang Panginoong Hesus! Siya ang Emmanuel! “Ang Diyos kasama natin!” How blessed are we all to be gifted by Jesus’ presence!” mensahe ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.

Inaanyayahan ng Obispo ang lahat na ipagdiwang ng Pasko sa pamamagitan ng pagbabahagi ng presensya sa kapwa at aktibong presensya kasama ang pamilya sa mga Simbahan sa pamamagitan ng personal na pagdalo ng mga banal na eukaristiya.

Hinikayat rin ni Bishop Maralit ang bawat isa na magbahagi ng biyaya ng presensya at pagkalinga lalo’t higit sa mga nangangailangan.

“So let us best celebrate this Christmas with our presence too: in our Churches, let us go to Mass and Gift Jesus with our presence! Within our families, let us value the gift of our family and try our best to celebrate Christmas with our presence in family! Among the needy, who long for the presence of God in their specific situation; a presence which we are commissioned to bring to them by sharing with them the joy of Christmas.” Dagdag pa ni Bishop Maralit.

Tiwala ang Obispo na tunay na madama ng bawat isa ang diwa ng Pasko na pagpapamalas ng Panginoon sa kanyang pagmamahal sa sangkatauhan sa pamamagitan ng kapanganakan ni Hesus.

“May we all truly feel the joy of Christmas in its most important truth, that we are so blessed because God decided to be with us thru His beloved Son, our Lord Jesus Christ! And let us celebrate it with meaning as we also give as a gift our presence! A blessed Christmas to all and a most meaningful New Year!” Ayon pa kay Bishop Maralit.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 11,467 total views

 11,467 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 19,567 total views

 19,567 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 37,534 total views

 37,534 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,838 total views

 66,838 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 87,415 total views

 87,415 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 785 total views

 785 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,244 total views

 6,244 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top