Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ano ang climate finance?

SHARE THE TRUTH

 285 total views

Mga Kapanalig, sino ang makalilimot sa trahedyang sinapit ng libu-libo nating kababayan sa Visayas noong manalasa ang Bagyong Yolanda walong taon na ang nakalilipas? Ngayong linggo naman, isang taon na mula nang magdulot ng malawak na pagbaha, pagkasira ng mga tirahan, at pagkawala ng buhay ang Bagyong Ulysses.

Laging inuugnay ang mga kalamidad na ito sa climate change na bunga ng patuloy na pag-init ng ating planeta. Ang pag-init namang ito, ayon na rin sa mga dalubhasa, ay dala ng mga gawain ng tao at mga industriyang nagbubuga sa ating hangin ng mga tinatawag na greenhouse gases. Hindi kakayanin ng isang bansang tugunan ang climate change kaya mayroong mga pandaigdigang pagpupulong na ginaganap at mga kasunduang pinagtitibay. Pinakahuli nga ang COP 26 o ang ika-26 na Conference of Parties to the UN Framework Convention on Climate Change.

Sa mga pagpupulong na ito, nagkakasundo ang mga bansang bawasan ang kani-kanilang greenhouse gas emissions upang mapanatili ang temperatura ng mundo sa antas na katanggap-tanggap. Sa Paris Agreement noong 2015, naging target ng mga bansang limitahan ang pagtaas ng temperatura ng ating daigdig sa 2 degrees Celsius. Kapag lumampas sa temperaturang ito, magiging lubhang mapaminsala ang mga heatwaves, tagtuyot, pagbaha, pagtaas ng sea level, at mga bagyo. May mga umalma sa target na ito katulad ng China, ang bansang may pinakamataas na carbon emissions, dahil magiging dagok daw ito sa ekonomiya nito.

Kaya naman, nagkaroon din ng mekanismo ang mga bansa upang tulungan ang isa’t isang bawasan ang kanilang greenhouse gases. Tinawag itong climate finance. Ang mga bansang maunlad ay nangakong magbibigay sa mga umuunlad na bansa o developing countries ng pantustos sa mga pamamaraan upang makamit din ang kaunlaran nang hindi gaanong nagdudulot ng greenhouse gases. Ang pondong kanilang ibibigay ay gagamitin din upang umangkop sa mga epektong dala ng nagbabagong klima. Aabot dapat sa 100 bilyong dolyar bawat taon ang ibibigay ng mga developing countries ngunit noong 2019, umabot lamang ito sa 80 bilyong dolyar.

Ang Pilipinas ang isa sa mga bansang dapat nakikinabang sa climate finance, lalo pa’t nagtaya ito ng 75% na pagbawas sa carbon emissions nito pagsapit ng 2030. Malaking bahagi ng target na ito ay makakamit sa pamamagitan ng climate finance, lalo pa’t napakaraming ibang pangangailangan ang dapat ding paglaanan ng pamahalaan. Sa inihain ngang pambansang badyet para sa 2022 na nagkakahalaga ng limang trilyong piso, nasa 284 bilyong piso lamang ang nakalaan para sa mga proyektong may kaugnayan sa pagtugon at pag-angkop sa climate change.

Bagamat maliit ang carbon emissions ng Pilipinas, hindi natin kailangang tahakin ang landas ng mayayamang bansa na kailangang sirain ang kalikasan sa ngalan ng kaunlaran. Sabi nga ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Laudato Si’, panahon na upang iwaksi ang mga modelo ng kaunlarang pumipinsala sa kalikasan. Magagawa ito kung tutulungan ng mauunlad na bansa ang mga mahihirap na bansang magkaroon ng mga patakaran at programang gagabay sa mga ito tungo sa mas malinis na uri ng pag-unlad. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagpondo sa mga proyektong magbibigay ng malinis na enerhiya, at sasanggalang sa mga komunidad na lantad sa pagbaha at iba pang mapaminsalang epekto ng climate change. Ito ang tinatawag ng Santo Papa na “differentiated responsibilities”, bagay na ipinahihiwatig din sa Mga Kawikaan 3:27: “huwag ipagkait sa kapwa ang kagandahang loob, kung ika’y may kakayahan na ito ay magawâ.”

Mga Kapanalig, ang bawat isa ay may tungkuling pangalagaan ang ating kalikasan kahit sa maliliit na paraan, ngunit huwag din nating kalimutan ang responsibilidad ng mga pamahalaan, lalo na ng mayayamang bansa, dahil umabot tayo sa puntong ito dahil sa kanilang kagustuhang umunlad at, sa maraming pagkakataon, sa kanilang kasakiman.

Sumainyo ang katotohanan.

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 72,956 total views

 72,956 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 104,951 total views

 104,951 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 149,743 total views

 149,743 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,693 total views

 172,693 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,091 total views

 188,091 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 233 total views

 233 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,323 total views

 11,323 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang siyensya lamang

 72,957 total views

 72,957 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 104,952 total views

 104,952 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 149,744 total views

 149,744 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,694 total views

 172,694 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,092 total views

 188,092 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 135,815 total views

 135,815 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 146,239 total views

 146,239 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 156,878 total views

 156,878 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 93,417 total views

 93,417 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 91,707 total views

 91,707 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »
Scroll to Top