Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Apostolic Vicariate of Calapan, mariing tinutulan ang ‘ilegal’ river dredging sa Oriental Mindoro

SHARE THE TRUTH

 11,095 total views

Mariing tinutulan ng Apostolic Vicariate of Calapan, sa pangunguna ni Bishop Moises Cuevas, ang malakihang commercial river dredging at iba pang uri ng pagmimina sa mga ilog at dalampasigan ng Oriental Mindoro, na magdudulot ng pangmatagalang pinsala sa kalikasan at kabuhayan ng mamamayan.

Sa pastoral reflection, iginiit ni Bishop Cuevas na ang mga proyektong inuuna ang kita kaysa kapakanan ng tao at kalikasan ay nagbabadya ng mabigat at walang lunas na pinsala.

“Mariin nating tinututulan ang ‘large-scale commercial dredging, sea bed or black sand quarrying’ o anupamang uri ng pagmimina sa mga ilog, dalampasigan at baybayin. Kapag inuuna ng mga gawaing ito ang kita kaysa sa mga tao at kalikasan, ang mga panganib at posibleng resulta ay tiyak na magdudulot ng mabigat at walang lunas na pinsala sa ating lalawigan,” ayon kay Bishop Cuevas.

Gayunpaman, nilinaw ng bikaryato na hindi sila tutol sa mga lehitimong pagsasaayos ng mga ilog kung ito ay isasagawa nang may malinaw na layunin para sa pagbawas ng pagbaha, at hindi para sa kita o komersyal na interes.

Paliwanag ni Bishop Cuevas na dapat rin itong nakapaloob sa isang komprehensibo at siyentipikong flood control master plan, may detalyadong engineering design, sumusunod sa mga pamantayang pangkapaligiran, at may malinaw na mekanismo ng transparency at pananagutan sa pagpapatupad.

“Wala tayong pagtutol sa pagsasaayos ng mga ilog kung ang ‘dredging’ ay bahagi ng isang tunay na plano sa pagkontrol ng baha na nakabatay sa siyensiya, walang ‘commercial exploitation’, may tapat na pagsunod sa ‘environmental safeguards’ at may ‘transparenť na pagsubaybay ng publiko, “pursuant only to a Flood Master Plan with detailed engineering design and proper flood control methods,” dagdag ni Bishop Cuevas.

Binigyang-pansin din ng bikaryato ang mga aral mula sa ibang lalawigan tulad ng Zambales at Cagayan, kung saan ang malawakang black sand mining ay nagdulot ng pinsala sa dagat, paghina ng kabuhayan ng mga mangingisda, at pagkasira ng mga dalampasigan.

Kasabay nito, nanawagan si Bishop Cuevas ng pagkakaisa at pagbabantay mula sa mga pamayanan dahil tungkulin ng bawat mamamayan na makibahagi sa pangangalaga ng kalikasan, bantayan ang mga proyekto sa kanilang lugar, at huwag magpadala sa mga pangakong mabilisang solusyon na kalauna’y magdudulot ng mas malaking pinsala.

“Tayo ay nasa sangangdaan. Pwede nating hayaan na hati-hatiin tayo ng isyung ito, o pwede nating gamitin itong pagkakataon para palaguin ang isang kultura ng katotohanan, diyalogo at pagiging mabuting katiwala… Tulad ng paalala ni Papa Francisco sa Laudato Si: Ang taghoy ng lupa, siya ring taghoy ng dukha,” giit ng obispo.

Hinikayat din ng obispo ang lahat na manalangin para sa karunungan at pagkakaisa, pangalagaan ang kalikasan habang isinasagawa ang mga lehitimong proyekto laban sa baha, manindigan para sa kabutihang panlahat, ipagtanggol ang mahihirap, at tiyaking ang mga proyekto ay makabubuti at hindi makapipinsala sa pamayanan.

“Ang kinakaharap nating landas ay hindi madali, ngunit kung may pananampalataya, katuwiran at pagkakaisa, kaya natin. Tandaan natin—ang mundo at lahat ng naririto ay sa Panginoon; tayo’y mga katiwala lamang at katuwang sa pangangalaga sa lahat ng nilikha,” dagdag ni Bishop Cuevas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LUCKY 15

 173 total views

 173 total views Sila ang pinagpala., ang 15 kumpanyang ito ang nakakuha ng mahigit sa 100-bilyong pisong flood control projects 0 20-porsiyento ng kabuuang flood control

Read More »

Sumbong sa pangulo

 16,680 total views

 16,680 total views Mga Kapanalig, inilunsad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr noong nakaraang Lunes, Agosto 11, ang “Sumbong sa Pangulo” website na layong magbigay impormasyon tungkol

Read More »

Tapang at malasakit sa gitna ng panganib

 36,208 total views

 36,208 total views Mga Kapanalig, dahil sa mahusay na pagmamaniobra ng Philippine Coast Guard (o PCG), nakaligtas ang kanilang barko sa muntikang banggaan ng mga barko

Read More »

BAN ON ONLINE GAMBLING

 91,686 total views

 91,686 total views Ipagbawal ang online gambling? Malabo., malayo pa ito sa katotohanan., hindi ito mangyayari! Sa kabila ng malakas na sigaw ng simbahan, mga mambabatas,

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Kalusugan ng baga, huwag balewalain

 13,380 total views

 13,380 total views Pinaalalahanan ni Dr. Randy Joseph Castillo, concurrent officer-in-charge ng Emergency Medicine and Out Patient Department ng Lung Center of the Philippines, ang publiko

Read More »

ATM, dismayado sa mga Senador

 17,336 total views

 17,336 total views Dismayado ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa desisyon ng Senado na isantabi ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay

Read More »
Scroll to Top