Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archdiocese of Nueva Segovia, nagsagawa ng malawakang pagtulong sa mga biktima ng lindol

SHARE THE TRUTH

 2,678 total views

Pinaigting ng Archdiocese of Nueva Segovia ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong mamamayan ng Ilocos Sur dulot ng 7.3 magnitude na lindol.

Ayon kay Archbishop Marlo Peralta bagamat may ilang simbahan at heritage site ang napinsala sa lugar ipinagpasalamat ng arsobispo sa Panginoon na walang lubhang nasaktan at nasawi sa lalawigan.

Pagbabahagi ng arsobispo na puspusan ang pagkilos ng Social Action Center ng arkidiyosesis sa paghahatid ng pangunahing pangangailangan ng mamamayan lalo na ang mga pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers.

“Sa awa ng Diyos wala namang seryosong nasaktan at walang fatality dito sa Archdiocese [Nueva Segovia] kaya ang inaasikaso ngayon ang pagtulong ng SAC [Social Action Center] sa mga nangangailangan,” pahayag ni Archbishop Peralta sa panayam ng Radio Veritas.

Matatandaang napinsala ng malakas na pagyanig ang tanyag na Vigan Cathedral, St. John the Baptist Church, at iba pang lumang makasaysayang gusali sa Ilocos Sur.

Agad na kumilos ang Caritas Philippines sa paghahatid ng tulong sa mga apektadong komunidad sa Northern Luzon habang patuloy ang pagtulong ng iba’t ibang diyosesis para sa relief operation.

Kasalukuyang nasa Cordillera Administrative Region at Ilocos region ang Caritas Manila at Radio Veritas para maghatid ng tulong tulad ng tent, banig, kumot, medical at hygiene kits para sa mga residente lalo na ang nagsilikas.

Una nang tiniyak ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Fr. Anton Pascual ang pag-agapay sa mga biktima ng lindol para makabangon sa trahedya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 27,391 total views

 27,391 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 35,491 total views

 35,491 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 53,458 total views

 53,458 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 82,504 total views

 82,504 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 103,081 total views

 103,081 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,166 total views

 5,166 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,773 total views

 10,773 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,928 total views

 15,928 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top