7,156 total views
Itinalaga ni Pope Francis si Monsignor Glenn Corsiga bilang obispo ng Diocese of Ipil sa Mindanao.
Isinapubliko ng Vatican ang appointment nitong April 14 makaraan ang halos dalawang taong pagiging sede vacante ng diyosesis.
Inordinahang pari si Bishop-elect Corsiga noong 1993 sa Diocese of Dumaguete habang taong 2011 nang hirangin ito ni Pope Benedict XVI bilang papal chaplain ng simbahan.
Kasalukuyang naglingkod ang pari bilang kura paroko ng St. Augustine of Hippo Parish sa Bacong Negros Oriental.
Matatandaang 2023 nang maging sede vacante ang Ipil nang inilipat ni Pope Francis si Archbishop Julius Tonel sa Archdiocese of Zamboanga.
Pansamantalang pinangasiwaan ni Msgr. Elizar Cielo ang diyosesis habang hinihintay ang pagdating ng bagong pastol.
Ipapastol ni Bishop-elect Corsiga ang mahigit kalahating milyong katoliko ng diyosesis na kinabibilangan ng Zamboanga Sibugay katuwang ang halos 50 mga pari sa 26 na mga parokya.