Bandidong Abu Sayyaf, gumagamit ng droga

SHARE THE TRUTH

 302 total views

Aminado ang isang Mindanao bishop na gumagamit ng ilegal na droga ang mga bandidong Abu Sayyaf bago nila pugutan ng ulo ang kanilang mga bihag.

Ayon kay Prelatura ng Isabela de Basilan Bishop Martin Jumoad, suportado nito ang kampanya ng administrasyong Duterte sa pagsugpo sa kalakaran ng ipinagbabawal na gamot lalo at dumarami na rin ang mga rebeldeng tumatangkilik nito.

Gayunman, mariing tinututulan ni Bishop Jumoad ang anumang paglabag sa karapatang pantao sa kampanya para sugpuin ang ilegal na droga.

“I’am for war against drugs and that’s all and let there be no violation of human rights and in terms of eradicating drugs hundred percent akong I will support about that, because remember here in Basilan, when the Abu Sayyaf and other lawless element would beheading their kidnap victim they took drugs. And because of that they are very aggressive that is why I said eliminate drugs but I don’t go for violation of human rights,”pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Veritas Patrol.

Nauna ng binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika – 18 anibersaryo ng pagkakatatag ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC sa Malakanyang, na susugpuin nito ang grupong Abu Sayaff na batay sa datos ng pulisya at militar ay umaabot na lamang sa humigit kumulang 400 katao ang bilang ng mga ito sa Mindanao.

Tiwala naman ang ilang eksperto at ekonomista na kung tuluyang matatapos ang sigalot ng terorismo sa Mindanao ay uunlad ang ekonomiya ng rehiyon, kung saan matagal ng isinusulong ng Simbahang Katolika ang mapayapang pakikipag – diyalogo sa mga Moro roon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 12,780 total views

 12,780 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 27,424 total views

 27,424 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 41,726 total views

 41,726 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 58,430 total views

 58,430 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,354 total views

 104,354 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 94,963 total views

 94,963 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 90,871 total views

 90,871 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top