Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Batangas LGU, binalaan ang mamamayan sa kumakalat na fake news

SHARE THE TRUTH

 427 total views

Nagbabala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas hinggil sa kumakalat na facebook post na nagsasaad ng mandatory evacuation sa mga lugar na nakapaloob sa 14-kilometer radius mula sa Bulkang Taal.

Nagdulot ito ng labis na pangamba at pag-aalala sa mga residenteng naninirahan malapit sa bulkan.

Ayon sa Batangas Public Information Office, ito ay fake news o walang katotohanan, at wala pang opisyal na pahayag na inilalabas ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa paglikas.

“Binibigyang-linaw ng Batangas Incident Management Team at ipinapaalam sa publiko na walang katotohanan ang post patungkol sa mandatory evacuation sa mga lugar na nakapaloob sa 14-kilometer radius mula sa Taal Volcano Main Crater… Walang inilalabas na opisyal na pahayag o pabatid ang DILG para sa naturang paalala,” paalala mula sa facebook post ng Batangas PIO.

Dagdag pa ng Batangas PIO, dapat tiyaking mabuti ng publiko ang bawat nakakalap na balita bago ito ibahagi sa kapwa upang hindi magdulot ng pangamba at kapahamakan sa mga tao.

“Sa panahon ngayon, mahalaga na tama ang impormasyon na nakakalap at ibinabahagi. Tiyakin na totoo ang impormasyon bago i-share. Palaging mag-fact-check at tumingin sa verified at legitimate sources,” ayon sa pahayag.

Samantala, naglabas na ng panuntunan ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas kaugnay sa pagbiyahe sa loob ng lalawigan upang mapanatili ang kaayusan at mabawasan ang panganib sa ibang mga tao na maaaring maapektuhan ng anumang kaganapan dulot ng aktibidad ng Bulkang Taal.

Gayundin ay mahigpit nang ipatutupad ng Department of Environment and Natural Resources – Region 4-A CALABARZON, sa ilalim ng Protected Area Management Office – Taal Volcano Protected Landscape, ang Window Hours sa mga aktibidad sa lawa mula alas-otso ng umaga hanggang alas-dos ng hapon.

Dahil dito’y hinihikayat ang mga residente na tumalima sa panuntunan dahil sa nakaambang panganib kaugnay sa pagliligalig ng bulkan.

Ayon naman sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nananatili pa ring nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal kaya mahigpit na ipinagbabawal ang paglaot sa lawa ng Taal at pagpasok sa Taal Volcano Island o Permanent Danger Zone.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 6,840 total views

 6,840 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 21,551 total views

 21,551 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 34,409 total views

 34,409 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 108,690 total views

 108,690 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 164,344 total views

 164,344 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

ATM, dismayado sa mga Senador

 8,929 total views

 8,929 total views Dismayado ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa desisyon ng Senado na isantabi ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay

Read More »

Bagong Energy Secretary Garin, binatikos

 38,559 total views

 38,559 total views Mariing kinondena ng mga makakalikasang grupo, faith-based organizations, at mga residente ng Quezon ang muling pagbibigay ng exemption sa coal moratorium para sa

Read More »
1234567