Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Biktima ng sexual abuse, tutulungan ng Archdiocese of Tuguegarao

SHARE THE TRUTH

 710 total views

Tiniyak ng Archdiocese of Tuguegarao ang pakikipagtulungan sa awtoridad sa imbestigasyon sa paring hinuli ng National Bureau of Investigation dahil sa reklamong sexual abuse laban sa isang menor de edad.

“The archdiocese will fully cooperate with the prosecution service towards the conduct of an unbiased preliminary investigation and will also extend its assistance to our priest.” bahagi ng pahayag ng Archdiocese of Tuguegarao.

Pansamantalang pinagbawalan si Fr. Karole Reward Israel sa kanyang priestly obligations habang isinasagawa ang pagsisiyasat sa alegasyong pang-aabuso sa 16 taong gulang na babae.

Inaresto ang pari ng mga tauhan ng NBI noong October 18 sa isang parokya sa bayan ng Solana Cagayan.

Tiniyak din ng arkidiyosesis ang pagtulong sa biktima sakaling mapatotohanang nagkasala ang pari.

“If it is established that there is in fact a victim, assistance will likewise be extended.” dagdag pahayag.

Matatandaang sa pagbisita ng Santo Papa Francisco sa Canada noong Hulyo ay humingi ito ng paumanhin sa lahat ng mga biktima ng pang-aabusong sekswal mula sa mga pastol ng simbahan lalo na ang mga kabataan at tiniyak ang katarungan ng bawat biktima.
Hiniling ng Archdiocese of Tuguegarao ang panalangin sa katatagan ng bawat pastol ng simbahan lalo na ang nahaharap sa pagsubok.

“Meanwhile, we earnestly ask for prayers for all our priests who bear all the frailties that afflict us all.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,958 total views

 10,958 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 19,058 total views

 19,058 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 37,025 total views

 37,025 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,332 total views

 66,332 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,909 total views

 86,909 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,603 total views

 3,603 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,211 total views

 9,211 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,366 total views

 14,366 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top