Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Pabillo, malugod na nagpapasalamat sa Oplan Ugnayan donors

SHARE THE TRUTH

 313 total views

March 31, 2020, 11:17AM

Muling nagpasalamat si Manila Administrator Bishop Broderick Pabillo sa mga negosyante na bumubuo ng Oplan Ugnayan-isang inisyatibo para sa pagtulong sa mga mahihirap na mamamayan sa Metro Manila.

Ayon kay Bishop Pabillo, ang Oplan Ugnayan ay nakalikom ng P1.5 bilyon na ipapamahagi sa pamamagitan ng Caritas Manila na Oplan Damayan kasama ang mga local government units (LGU’s) na silang tumukoy ng mga karapat-dapat na benepisyaryong pamilya.

“Nakakatulong din tayo sa daily wage earners, ito ngang ipinamimigay na mga gift certificates na ito po ay galing sa mga negosyante at ipinadaan sa Caritas Manila na ipinadaan naman ng Caritas Manila sa mga Parokya. Hindi lang sa archdiocese, kundi sa buong NCR,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ang bawat pamilya ay tatatanggap ng P1,000 gift certificates (GC) na gagamiting pambili ng kanilang pangangailangan habang umiiral ang community quarantine.

Ang Oplan Damayan ay sumasaklaw sa 10 diyosesis sa Metro Manila at karatig lalawigan kabilang na ang Antipolo, Bulacan at Imus.

“Pasalamatan po natin ang business people,’yan po ay inisyatiba ni Mr. Fernando Zobel de Ayala. At nagkuha siya ng mga kasamahan niya sa mga business. Sila po ang nagkolekta ng pera na tinatawag nilang Oplan-Ugnayan,” ayon pa sa obispo.

Sa pinakahuling ulat ng Caritas Manila, aabot na sa 200 libong pamilya ang nakatanggap ng gift certificates na mula sa 628 mga parokya ng 10-diocese at archdiocese sa Metropolitan Manila.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 3,010 total views

 3,010 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 11,110 total views

 11,110 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 29,077 total views

 29,077 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 58,518 total views

 58,518 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 79,095 total views

 79,095 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 19,929 total views

 19,929 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 102,210 total views

 102,210 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top