16,570 total views
Nagpaabot ng pakikiramay at panalangin si Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa mga mamamayan ng Cebu na labis na naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol.
Ayon kay Bishop Santos, hindi pa man lubos na nakakabangon ang bansa mula sa nagdaang malalakas na bagyo ay muling naharap ang mga Pilipino sa panibagong pagsubok dahil sa pinsalang iniwan ng matinding pagyanig.
Gayunman, binigyang-diin ng obispo na sa sa kabila ng pangamba at hirap, ang Diyos ay nananatiling kanlungan at matibay na sandigan ng pananampalataya at pag-asa.
“Though we may feel overwhelmed, we are never abandoned. The Lord walks with us through every storm, every tremor, every tear,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa ipinadalang mensahe sa Radyo Veritas.
Sa kanyang panalangin, hiniling ni Bishop Santos na balutin ng Diyos ng pag-ibig at kalakasan ang mga Cebuano, at nawa’y ipadala ang mga anghel upang maging gabay at proteksyon sa bawat pamilya, lalo na ang mga nawalan ng mahal sa buhay.
Tiwala ang obispo na maging ilaw ng pag-asa at kagalingan ang Simbahan sa mga panahong ito ng matinding pangangailangan.
“In the face of adversity, let us be reminded that the cross leads to resurrection. Cebu will rise again, stronger and more united. And we, as one Church, will continue to walk with her every step of the way,” saad ni Bishop Santos
Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 72 ang nasawi, higit 200 ang sugatan, at mahigit 200,000 katao ang apektado ng lindol.
A Prayer of Compassion and Strength for Cebu
“God of mercy and compassion, We lift up to You the people of Cebu, shaken by the earthquake and burdened by past storms. Wrap them in Your loving embrace, calm their fears, and restore their strength. Send forth Your angels to protect every family, every child, every soul in need. May Your Church be a beacon of hope and healing. And may we, Your people, rise together in faith, rebuilding not only homes but hearts. Through Christ our Lord. Amen.”
+RUPERTO CRUZ SANTOS, D.D.
Bishop of Antipolo and Parish Priest
International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage




