Bureau of Immigration, naghihigpit laban sa human trafficking

SHARE THE TRUTH

 22,273 total views

Nilinaw ng Bureau of Immigration na karaniwang dokumento sa pagbiyahe abroad ang kinakailangang dalhin at ipakita sa immigration officer.

Ito ang pahayag ni B.I Spokesperson Dana Sandoval sa Radio Veritas kaugnay sa maraming reklamo laban sa immigration officers sa mga paliparan na dahilan ng pagkaantala ng mga pasahero.

Ayon kay Sandoval pinaiigting ng ahensya ang kanilang pagbabantay sa mga lumalabas ng bansa lalo’t talamak ang kaso ng human trafficking.

“We would like to clarify po na ang yearbook, ang diploma ay hindi po natin kailangan dalhin dahil mabigat po iyon, h’wag na po natin dalhin…ang basic requirements po for travel is passport, round trip ticket and visa kung kinakailangan po doon sa bansang pupuntahan and of course yung mga supporting documents depending on a type of traveler that you are,” pahayag ni Sandoval sa Radio Veritas.

Paliwanag ni Sandoval na hindi lahat ng pasahero ay dumadaan sa secondary inspection maliban sa mga kahina-hinalang indibidwal.

“Yung mga na-subject sa secondary inspection kapag may nakikita lamang po na red flag doon sa primary inspection,” giit ni Sandoval.

Sinabi ng opisyal na gumagamit ng triangulation of greetings ang immigration officer’s kung saan titingnan ang sagot, mga dokumento gayundin ang ikinikilos ng tao habang nagsagawa ng inspection.

Aniya, pinaiigting ng B.I ang mga hakbang upang mapigilan ang mga biktima ng human trafficking lalo’t karamihan sa nabibiktima ng international syndicates ay mga propesyunal.

Sa datos ng pamahalaan noong 2022 nasa 50-libo ang na-intercept ng ahensya, 26 na libo rito ang kulang sa dokumento habang halos 400 ang posibleng biktima ng human trafficking.

Hinimok ni Sandoval ang mamamayan na biktima ng tiwaling immigration officers na ipagbigay alam sa ahensya upang maparusahan ang mga sangkot sa katiwalian.

“We immediately implement sanctions to any erring immigration officers…kung may naririnig po tayong alingasngas o complaints o reports about sa illegal activities of our people, we initiate administrative disciplinary action,” saad ni Sandoval.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 18,100 total views

 18,100 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 60,314 total views

 60,314 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 75,865 total views

 75,865 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 89,110 total views

 89,110 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 103,522 total views

 103,522 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Sa digmaan, lahat ay talunan

 36,113 total views

 36,113 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »
Scroll to Top