Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Camillians, palalawakin ang medical mission sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

 268 total views

Matagumpay na nagsagawa ng medical mission ang iba’t-ibang medical groups sa ilalim ng pangangasiwa ng Camillians noong ikalima hanggang ikapito ng Hulyo.

Ito ay pagpapatuloy ng grupo sa sinimulan ni St. Camillus na pangangalaga sa mga may sakit, lalong-lalo na ang mga mahihirap.

Umabot sa 1,193 mga pasyente ang natulungan ng grupo sa mga lugar ng San Jose, Calawis, at Boso-Boso sa Rizal.

Kabilang sa mga serbisyong inihatid sa mga mamamayan ay medical, dental, surgical at laboratory.

Mahigit sa 100 mga volunteers ang nagsama-sama upang maisakatuparan ang naturang medical mission at umabot sa P220,000 ang halaga ng mga naipamahaging gamot.

Ang Camillian Medical Mission ay binuo ng St. Mary’s Hospital sa Taiwan, ospital na nasa ilalim ng pangangasiwa ng mga Camillian, St. Camillus Medical Center, Nuestra Señora dela Annunciata Parish at Camillian Philanthropic and Health Development Office.

Nagpapasalamat din ang grupo sa lahat ng mga tumulong at nagbigay ng pinansyal na suporta sa Medical Mission.

Tiniyak nito na muling magkakaroon ng Camillian Medical Mission sa iba pang bahagi ng bansa upang abutin ang mga mahihirap.

Ayon sa World Health Organization, tinatayang 30-porsyento lamang ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang nakakukuha ng maayos na medikal na atensyon habang ang 70-porsyento ay napagkakaitan ng kanilang medikal na pangangailangan dahil sa kahirapan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 28,739 total views

 28,739 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,456 total views

 40,456 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,289 total views

 61,289 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 77,716 total views

 77,716 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 86,950 total views

 86,950 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 80,325 total views

 80,325 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 67,181 total views

 67,181 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sundin ang safety precautions sa COVID-19.

 62,588 total views

 62,588 total views Nagpaalala ang Obispo ng Diocese of Cubao sa mga simbahan at mananampalataya na gawin ang mga safety precautions na inilatag ng Catholic Bichops

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top