Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of San Carlos, pinarangalan ng Parole and Probation Administration

SHARE THE TRUTH

 510 total views

Ginawaran ng pagkilala ng Parole and Probation Administration (PPA) ang Diocese of San Carlos, Negros Occidental dahil sa aktibong ambag ng diyosesis sa mga programa at inisyatibo ng institusyon para sa mga bilanggo.

Nasasaad sa pagkilala ang pagpapasalamat ng P-P-A sa diyosesis sa walang sawang pakikipagtulungan nito sa mga isinasagawang imbestigasyon at rehabilitasyon para sa mga probationers, parolees at pardonees na nagbibigay-daan sa mabilis at ganap na pagbabago ng mga ito .

Ayon sa pamunuan ng P-P-A, mahalaga ang ambag at partisipasyon ng Simbahan na naipamalas ng Diocese of San Carlos sa ganap na paggabay at pagpapanibago ng mga bilanggo.

Nagpapasalamat naman si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa natanggap na pagkilala ng diyosesis mula sa P-P-A.

Tiniyak rin ng Obispo ang patuloy na pagpapatatag sa Community-Based Rehabilitation Program ng diyosesis na tinaguriang K.A.A.B.A.G. (Kinabuhi Angay Ampingan, Bag-ohon Alang sa Ginoo) na higit na naging posible at epektibo sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng San Carlos at mga ahensya ng pamahalaan.

“For our Community-Based Rehabilitation Program called K.A.A.B.A.G. (Kinabuhi Angay Ampingan, Bag-ohon Alang sa Ginoo) in partnership with the LGU San Carlos and other Government Agencies like DSWD, DOH, DILG, PNP, BJMP, & DOJ — the Parole and Probation Administration (PPA) on its 45th Anniversary gave the Diocese of San Carlos this token of appreciation on July 22, 2021.” pahayag ni Bishop Alminaza.

Iginiwad ang pagkilala sa Diocese of San Carlos kasabay ng paggunita ng ika-45 anibersaryo ng Parole and Probation Administration (PPA) noong ika-22 ng Hulyo, 2021 na may temang “45 Years of Redeeming Lives and Restoring Relationships”.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 7,232 total views

 7,232 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 15,332 total views

 15,332 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 33,299 total views

 33,299 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 62,645 total views

 62,645 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 83,222 total views

 83,222 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 443 total views

 443 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 5,872 total views

 5,872 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 11,615 total views

 11,615 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top