Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diyosesis ng Antipolo, naghatid ng tulong sa mga Dumagat-Remontado sa Tanay, Rizal

SHARE THE TRUTH

 1,755 total views

Ibinahagi ng Ministry on Social Action, Human Development, at Caritas ng Diyosesis ng Antipolo ang kanilang misyon bilang daluyan ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagbisita at pamamahagi ng tulong sa mga katutubong Dumagat-Remontado sa Tanay, Rizal.

Ayon kay Mona Valencia, Program Coordinator ng social arm ng diyosesis, ang pagpunta sa Barangay Sta. Ines at Daraitan ay patunay na may mga taong handang umalalay sa pamayanang nangangailangan, lalo na sa mga katutubong nakatira sa kabundukan.

Tig-dalawang-daang pamilya mula sa dalawang barangay ang nakatanggap ng ayuda bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-400 anibersaryo ng pagdating ng imahen ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, kilala bilang Birhen ng Antipolo.

Binigyang-diin ni Valencia ang kahalagahan ng presensya ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, na nanguna sa pamamahagi at personal na nakadaupang-palad ang mga benepisyaryo.

“Simple man, pero kitang-kita ang saya at ngiti ng mga tumanggap ng tulong mula sa ating obispo at mga pari. Sa pamamagitan nila, naipadama ang pagpapala ng Diyos sa mga tao,” ani Valencia.

Dagdag pa niya, isang malaking biyaya para sa mga Dumagat-Remontado ang katiyakang bukas ang diyosesis sa pagtugon sa kanilang pangangailangan, lalo na sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga katutubong magsasaka.

Paliwanag ni Valencia, mahalagang marinig at maunawaan ang kalagayan ng komunidad upang makapaglatag ng mas angkop at pangmatagalang suporta.

“Isang biyaya para sa kanila na malaman na ang obispo at ang diyosesis ay handang tumulong sa kanilang mga pangangailangan, lalo na sa pagpapalakas ng kanilang kabuhayan,” dagdag niya.

Una nang iginiit ni Bishop Santos na ang Simbahan ay maihahalintulad sa isang inang hindi nakakalimot dumalaw at kumalinga sa kanyang mga anak—isang Simbahang patuloy na nagmamalasakit, nagmamahal, at nag-aalaga sa kanyang nasasakupan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang edukasyon ay hindi eksperimento

 78,366 total views

 78,366 total views Mga Kapanalig, may mungkahi ang Department of Education (o DepEd) na gawing trimester ang school year 2026-2027 mula sa nakagawiang apat na quarters. 

Read More »

Sa malao’t madali

 95,365 total views

 95,365 total views Mga Kapanalig, susunod kaya sa The Hague ang mga pinakamasunuring tauhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte? Pinangalanan ng International Criminal Court (o ICC)

Read More »

COMPROMISED SYSTEM OF JUSTICE

 122,347 total views

 122,347 total views Only in the Philippines! Sa ating bansa, madalas na nako-kompromiso ang hustisya. Sa Ehekutibo, sa Kongreso at Hudikatura normal na ang “compromised justice

Read More »

Ang hamon ng Kuwaresma at Ramadan

 275,571 total views

 275,571 total views Mga Kapanalig, sa pambihirang pagkakataon, sabay na inuumpisahan ng mga Katoliko at Muslim ang mahahalagang panahon sa kanilang buhay-pananampalataya.  Sa araw na ito,

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Lotilla, itinalagang ambassador sa Vatican

 13,661 total views

 13,661 total views Itinalaga ni Pangulong Fedinand Marcos Jr. si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Raphael Lotilla bilang Philippine ambassador to the Holy

Read More »

RELATED ARTICLES