Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

DSAC ng Diocese of Legazpi, tumulong sa mandatory evscuation ng mga residente malapit sa bulkang Mayon

SHARE THE TRUTH

 2,126 total views

Nakikipagtulungan na ang Legazpi Diocesan Social Action Commission (DSAC) sa isinasagawang mandatory evacuation ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay kaugnay sa pagliligalig ng Bulkang Mayon na nakataas sa Alert level 3 status.

Ayon kay Legazpi SAC Director Fr. Eric Martillano, inilunsad na ng diyosesis ang ‘Simbahan para sa Mayon Disaster Response’ at Parish Disaster Response Committee (PADRECOM) para mapaigting ang pagtulong sa mga residenteng lubhang maaapektuhan ng Mayon Volcano.

Tinukoy ni Fr. Martillano ang mga nakatira sa mga lugar na saklaw ng 6-kilometer danger zone na kailangang palikasin bilang pag-iingat sa panganib tulad ng pagbagsak ng mga bato, at inaasahang pagsabog ng bulkan.

“As of now, nag-a-assist kami sa mandatory evacuation para sa mga residents within the six-kilometer danger zone. On-going din ‘yung rapid field assessment sa mga affected areas,” bahagi ng pahayag ni Fr. Martillano.

Tinatayang nasa 18-libong residente ang pinalikas at pansamantalang tumutuloy sa mga evacuation centers sa lalawigan.

Sinabi ni Fr. Martillano na bubuksan na rin ng diyosesis ang panawagan para sa mga nais magpadala ng tulong at donasyon.

“As of now, initially, ang needs sa mga evacuation areas ay mga non-food items like sleeping mats and hygiene kits,” ayon kay Fr. Martillano.

Samantala, tiniyak naman ni Caceres Archdiocesan SAC director Fr. Marc Real ang pagtulong ng arkidiyosesis sakaling kailanganin ng SAC-Legazpi ang karagdagang tulong sa disaster response.

Meron kming group chat sa Bicol Regional Social Action Commission (BRSAC) na doon ang communications ng directors ng region. As of now, nasa monitoring pa po kami and waiting for the updates from SAC – Legazpi,” saad ni Fr. Real.

Una nang nanawagan sa publiko si Legazpi Bishop Joel Baylon na paigtingin ang paghahanda, at patuloy na manalangin ng Oratio Imperata para sa paggabay at kaligtasan ng lahat mula sa aktibidad ng Bulkang Mayon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 24,131 total views

 24,131 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 32,799 total views

 32,799 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 40,979 total views

 40,979 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 36,744 total views

 36,744 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 48,794 total views

 48,794 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 9,922 total views

 9,922 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 11,195 total views

 11,195 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 16,608 total views

 16,608 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top