1,449 total views
Mahalaga ang pagtalakay at pagsusuri sa mga kinakailangang pagbabago sa proseso ng halalan upang matiyak ang kredibilidad at karangalan ng halalan sa bansa.
Ito ang inihayag ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) sa naging talakayan sa tatlong araw na MOVE! A Colloquium on Electoral Reforms.
Tema ng pagtitipon ang “Maximizing Opportunities and Valuing Elections through Electoral Reforms”.
Ayon kay LENTE Founder and Honorary Chairman Atty. Christian S. Monsod na bahagi rin ng mga nagbalangkas ng 1987 Constitution, mahalaga ang pagsusuri at pagtalakay sa reporma ng halalan upang matiyak na nanaig ang tinig at paninindigan ng bayan sa resulta ng eleksyon.
Paliwanag ni Monsod, nakasalalay sa halalan at sa pagluklok sa mga karapat-dapat na lider ng bansa ang kinabukasan ng bayan mula sa kamay ng mga mapagkamkam katungkulan na mas pinahahalagahan ang pansariling interes sa halip na kapakanan ng taumbayan.
“Because if our elections are not the authentic expression of our people’s sovereignty then we cannot fulfill the promise of EDSA of a new social order, about addressing the mass poverty and gross inequalities that are rooted in a feudalistic system of dynastic families that has been impervious to change for generations. And its companion evil- corruption. With the concentration of power and wealth in a few, we are in the grip of the iron law of oligarchy and we know this must change,” ang bahagi Monsod.
Kabilang sa mga natalakay na kinakailangan ng reporma ay ang election management and good governance; electoral adjudication; political parties, campaign finance, disinformation and influence operations; inclusive elections: human rights and political participation; at electoral system na pagtalakay sa presidential, parliamentary at federal system sa bansa.
Nanawagan rin ang LENTE sa Civil Society Organizations (CSOs) na makibahagi sa paninindigan at pagsusulong ng electoral reforms at paghikayat sa mga botante na maging masigasig sa pagbabantay sa proseso ng halalan sa bansa.
“LENTE also encourages fellow Civil Society Organizations (CSOs) to be part of the #MOVEment supporting these electoral reforms that will empower the electorate and improve the public confidence in the electoral process which can be pursued both at the COMELEC and Congress.” Ang bahagi ng panawagan ng LENTE.
Ang LENTE ay isa sa mga pangunahing organisasyon ng Halalang Marangal Coalition na binubuo ng mga organisasyon na nagsusulong sa matapat at marangal na halalan na pinangungunahan ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-ang Caritas Philippines.