Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Enchanced Community Quarantine, gamitin sa pagkawanggawa.

SHARE THE TRUTH

 340 total views

March 25, 2020, 5:06PM

Nanawagan si Diocese of Malolos Bishop Dennis Villarojo sa mga mananampalataya na gamitin ang kasakulukuyang sitwasyon upang gampanan ang ating gampanin na magkalinga sa kapwa.

Ayon sa Obispo, natural lang na maging makasarili ang tao sa panahon na ito ngunit pagkakataon rin ito upang makapagnilay kung paanong makatutulong sa kapwa.

“There’s a point in which kapag magiging selfish tayo, tayo rin ang magdurusa. Kasi the times calls for solidarity – na tayong lahat ay magkasama-sama upang maiwasan natin na lalaganap yung virus, it requires that we think not only for ourselves but para rin sa kapakanan ng iba.” bahagi ng pahayag ni Bishop Villarojo sa Radyo Veritas.

Ipinaalala ng Obispo na sa panahong nagkakaroon ng pagkukulang sa mga pangunahing pangangailangan ay dapat lalong umiral ang pakikipagkapwa at pagtutulungan.

Sinabi ng Obispo na ito rin ay paraan upang maisabuhay natin ang diwa ng Kuwaresma.

“Control ourselves na hindi sosobra at maiwasan [natin] that we don’t deny to others the supply of their own needs. It’s more of self-restraint, ‘yun naman talaga ang diwa ng Kwaresma. ‘Yung fasting na ginagawa natin that is self restrtaint, pagpigil at pagtimpi sa sarili para sa kapakanan ng iba.” dagdag ni Bishop Villarojo

Unang nanawagan si Bishop Broderick Pabilo, Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila sa mga mananampalataya na tumulong, magkawanggawa o maging Good Samaritan sa mga mahihirap na apektado ng sakit.

Sa Catholic Social Teaching sinasabi nito na tayo ay magkakapatid na anak ng Diyos sa kabila ng pagkakaiba iba ng pananaw, pananampalataya at tradisyong kinagisnan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 27,329 total views

 27,329 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 35,429 total views

 35,429 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 53,396 total views

 53,396 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 82,443 total views

 82,443 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 103,020 total views

 103,020 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 20,682 total views

 20,682 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 102,815 total views

 102,815 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top