Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Faith tourism, palalakasin ng Diocese of Legazpi

SHARE THE TRUTH

 25,817 total views

Palalawakin ng Diocese of Legazpi ang faith tourism sa lalawigan ng Albay sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan.

Ito ang tiniyak ni Bishop Joel Baylon sa nalalapit na pagdiriwang ng Magayon Festival kasabay ng pagpaparangal sa Mahal na Biheng Maria o Inang Magayon bilang babaeng puspos ng biyaya at pagpapala ‘Tota pulchra es, Maria.’

Hinikayat ni Bishop Baylon ang mga pari at mananampalataya ng diyosesis na suportahan ang religious-cultural projects na inisyatibo ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Salvation ng Joroan, Tiwi na layong payabungin ang debosyon sa Mahal na Ina.

“These endeavors aim to deepen devotion to the Patroness and Heavenly Queen of Albay, while also encouraging pilgrimages to the Shrine,” ayon kay Bishop Baylon.
Ilan sa mga gawaing inihanda para sa pagpapalago ng pananampalataya sa Diyos at debosyon sa Mahal na Birhen ang:

1. Albay Faith Tourism Forum sa April 30;
2. Inang Magayon Maritime Procession at Inang Magayon Grand Marian Procession sa May 1;
3. Inang Magayon Grand Aurora sa May 4;
4. Joroan, a Bikol Musical sa April 30, May 3, 10 at 17 at ang;
4. Visita Salvacion to ten Parishes sa Albay sa buong buwan ng Mayo.

Umaasa si Bishop Baylon sa buong suporta ng mamamayan at tagumpay ng pagdiriwang na may temang ang ‘Inang Magayon: Debosyon, Selebrasyon Partisipasyon’.

“We encourage your participation and support for these events. May your collective endeavors deepen our Marian devotion and bring us closer as one Diocese,” ani Bishop Baylon.

Ito rin ay sa pakikipagtulungan ng Albay Provincial Government at mapapabilang sa Faith Tourism portfolio ng Provincial Tourism, Culture, and Arts Office katuwang ang Department of Tourism.

Tinagurian ang mga Albayano sa pagiging Pueblo Amante de Maria o bayang namimintuho sa Mahal na Ina na bukal ng katatagan ng lokal na simbahan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 8,281 total views

 8,281 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 16,381 total views

 16,381 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 34,348 total views

 34,348 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 63,683 total views

 63,683 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 84,260 total views

 84,260 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,357 total views

 3,357 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 8,965 total views

 8,965 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,120 total views

 14,120 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top