Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Hindi mali ang Magmahal. Hindi kasalanan ang Pakikipag-kapwa!”

SHARE THE TRUTH

 506 total views

“Hindi mali ang Magmahal. Hindi kasalanan ang Pakikipag-kapwa!”

Ito ang binigyang diin ng Association of the Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) bilang suporta sa community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong panahon ng pandemya.

Ayon sa magkatuwang na pahayag nina AMRSP Co-Chairpersons Sister Marilyn A. Java, RC at Father Cielito R. Almazan, OFM, sa halip na paratangan ng kung anu-ano ay mas dapat na suportahan at kilalanin ang pagsusumikap ng bawat indibidwal o mga grupo na matugunan ang pangangailangan ng kapwa.

Ipinaliwanag ng AMRSP na walang masama sa pagtulong, pagmamalasakit at pagkakawang-gawa sa kapwa.

“The Association of the Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) wholeheartedly supports the community pantries sprouting all over the country, inspired by the Maginhawa Community Pantry. These noble efforts at bayanihan and bahaginan are rooted in the commandment “to love thy neighbor as Christ loved us”. There is nothing sinister nor diabolical with loving, caring, and acting in solidarity with one another. Our people need help. Our good women and men have responded to that call for help. The least we can do is support them and not red tag them.” pahayag ng AMRSP

Binigyang diin pa ng AMRSP na isang maka-Kristiyanong gawain ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan na hindi dapat kwestiyunin o ituring na kasalanan at kundinahin.

Pagbabahagi nina Sister Java at Fr. Almazan, maraming mamamayan ang nawalan ng pagkakakitaan at hanapbuhay dahil sa pandemya na nangangailangan ng tulong at ayuda upang makaraos sa pang-araw-araw na buhay na natutugunan ng mga community pantries.

Hamon ng AMRSP sa halip na kundinahin at pagdudahan ang mga tumutulong sa mga nangangangailangan ay dapat na makibahagi rin ang mga nasa kapangyarihan at katungkulan sa mga katulad na inisyatibo ng tunay at ganap na pagmamalasakit sa kapwa.

“We remind those in power that they are servants – not masters – of the people. People are tired of quarantines. People have lost jobs and loved ones. People are hungry. People are in distress. Instead of harassing, maligning and belittling these innocent community efforts, we challenge those in authority to join and be a part of it. After all, power has been given to you for you to serve, not to be served.” Dagdag pa ng pamunuan ng AMRSP.

Hinihikayat naman ng AMRSP ang lahat ng mga kongregasyon na makibahagi sa layunin ng mga community pantries sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta o donasyon.sa mga kasalukuyang community pantries.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 12,365 total views

 12,365 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 20,465 total views

 20,465 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 38,432 total views

 38,432 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 67,720 total views

 67,720 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 88,297 total views

 88,297 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 25 total views

 25 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 845 total views

 845 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,330 total views

 6,330 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top