Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 2,360 total views

3rd Sunday of Easter Cycle C

Acts 5:27-32.40-41 Rev 5:11-14 Jn 21:1-19

Mula noong si Jesus ay muling nabuhay, mayroon ng pagkakaiba ang kaugnayan ni Jesus sa kanyang mga alagad. Noon, palaging kasama ng grupo ng mga alagad si Jesus. Ngayon hindi na. Medyo nawalan na ng direksyon ang mga alagad. Pero dahil sa matagal nilang pagsasama sa isa’t-isa mahigpit na ang bonding nila. Kinikilala din nila si Pedro bilang kanilang leader. Natagpuan natin ang pitong alagad ngayon sa tabi ng Lawa ng Tiberias. Bumalik na si Pedro sa dating gawain niya na mangisda at sumama sa kaniya ang grupo. Wala silang nahuli sa magdamag nilang pagpapagal. Siguro na wala na ang gana nila o kaya ang galing nila sa pangingisda.

Pabalik na sila sa dalampasigan noong may tumawag sa kanila at nagtanong kung may nahuli ba sila. Hindi nakilala ang tumawag sa kanila. Maaaring madilim-dilim pa noon. Maaari naman ito ay dahil sa pagkatapos ng muling mabuhay si Jesus, hindi na nila siyang madaling makilala. Kahit na hindi siya kilala, sumunod sila sa kanyang panawagan na ihulog ang lambat sa gawing kanan. Himala! Marami silang nahuling isda, at napakarami nga, na hindi na nila maiahon ang lambat! Doon nakapagsabi si Juan kay Pedro: “Ang Panginoon iyon!” Mabilis ang pagkaaninag ni Juan kasi siya ang minamahal ni Jesus. Mabilis kumilala ang nagmamahal. Mabilis naman ang pagkilos ni Pedro. Agad siyang lumundag sa tubig. Malaki ang kanyang pananabik sa Panginoon. At ang Panginoong Jesus nga iyon! Hindi nagbago ang kanyang pagkalinga sa kanyang mga alagad. Alam niya na sila ay pagod at discouraged. Kaya may nakahanda ng isda na inihaw at mga tinapay para sa kanilang almusal! Noong sinabi ni Jesus na magdala ng ilang isda na nahuli nila, agad-agad bumalik si Pedro sa bangka at hinila ang lambat na puno ng malalaking isda. Maaaring binilang pa niya ang mga nahuling isda – sandaan at limampu’t tatlong lahat! Mabilis kumilos si Pedro!

Dito sa tabi ng dalampasigan nagkaroon ng personal na tawag si Jesus kay Pedro. Dito binigay ni Jesus ang kanyang misyon na pangalagaan ang kanyang tupa. Ang pangangalagaan niya ay ang tupa, ang kawan ng Panginoong Jesus, kaya tinanong siya kung mahal na niya siya. Maaaring ito ay ang job interview kay Pedro. Hindi siya tinanong ni Jesus kung ano ang alam niya, kung ano ang experience niya, kung ano ang skills niya. Iba ang hinahanap ni Jesus sa maglilingkod sa kanya. Ang hinanap niya ay ang pagmamahal sa kanya. Mahal mo ba ko? Iyan ang tanong kay Pedro, hindi lang minsan pero tatlong beses! Medyo nalungkot si Pedro sa ikatlong paulit-ulit na tanong. Hindi ba naniniwala si Jesus na sya ay mahal niya? Nagdududa ba si Jesus sa kanya? O ito ba kaya ay paalaala sa kanyang tatlong bese na pagtatatwa sa kanya? Kaya napasagot na lang siya: “Panginoon, nalalaman ninyo ang lahat ng bagay, nalalaman ninyo na iniibig ko kayo.” Hindi lang niya ipinahayag ang kanyang pag-ibig kay Jesus kundi pati ang kanyang tiwala na alam niya ang lahat, na walang maitatago sa kanya.

Hindi lang si Pedro ang may pag-ibig at may tiwala kay Jesus. Ang lahat ng mga alagad ay gayon din. Kaya narinig natin sa ating unang pagbasa na noong pinatawag sila sa harap ng pinakamataas na kapulungan ng mga Hudyo, na maitutumbas natin sa ating Supreme Court o sa Senate, matapang na nanindigan ang mga alagad. Pinatatahimik sila at pinagbabawalan na magsalita uli sa mga tao tungkol kay Jesus na muling nabuhay. Matapang ang sagot nila: “Ang Diyos ang dapat naming sundin at hindi ang tao,” kahit na ang matataas na tao. Sino ba naman sila na makasasalita ng ganito na sila ay mga probinsiyanong mangingisda lamang? Pero hindi na sila makapananahimik tungkol sa kanilang naranasan na si Jesus na pinapatay ng mga leaders nila sa krus ay muling nabuhay. Umakyat na siya sa langit at nakaupo sa kanan ng kanyang Ama. Sila at ang Espiritu Santo ang mga saksi nito.

Talagang nagbago na ang mga alagad. Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay hindi lang nagbago kay Jesus. Binago din ang mga alagad ng bagong buhay ni Jesus. Nagkaroon ng bagong sigla at tapang ang mga alagad, at bagong pag-ibig kay Jesus. Kaya pag-alis nila sa Sanhedrin pagkatapos na sila ay pahiyain, masaya silang umuwi na nakapagsaksi kay Jesus, at itinuring sila ng Diyos na malagay sa kahihiyan sa pangalan ni Jesus. Ito ay karangalan na, at hindi kahihiyan.

Sa takbo ng kasaysayan sa loob ng dalawang libong taon ng panahon ng mga Kristiyano nararanasan natin ang tapang na ito na dala ng pag-ibig kay Jesus. Ang simbahan at ang mga Kristiyano ay palaging inuusig. Sa simula pa inuusig na ang mga kristiyano. Ang lahat ng mga apostol, maliban kay Juan, ay namatay bilang mga martir. Ang mga unang santo ng simbahan ay mga martir. Sa maraming mga bansa nagkaugat ang pananampalataya dahil sa pag-uusig. Hanggang ngayon sa ating panahon maraming mga pari at seminarista ang kinikidnap at pinapatay sa Nigeria, ang pagdiriwang ng Mahal na Araw ay pinagbabawal sa Nicaragua at Venezuela. Mga Kristiyano na nagdarasal sa harap ng abortion clinics ay kinukulong sa United Kingdom at sa USA. Inuusig ang mga simbahan sa Tsina. Pati na nga ang ating yumaong Santo Papa Fransisco ay sinisiraan. Kahit na ganito ang nangyayari, bakit patuloy pa ang paglago ng pananampalataya? Dahil sa mahal natin si Kristo at naniniwala tayo na alam niya ang lahat! Ang kapangyarihan ng muling pagkabuhay ay kumikilos sa atin. Ang bagong buhay ni Jesus ay sumasaatin. Hindi tayo pababayaan ni Jesus na muling nabuhay!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 13,030 total views

 13,030 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 42,566 total views

 42,566 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 63,293 total views

 63,293 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 71,573 total views

 71,573 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 89,669 total views

 89,669 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 27, 2025

 4,024 total views

 4,024 total views 2nd Sunday of Easter Cycle C Divine Mercy Sunday Acts 5:12-16 Rev:9-11.12-13 Jn 20:19-31 Sa Muling Pagkabuhay, nararanasan natin ang kadakilaan ni Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 20, 2025

 6,559 total views

 6,559 total views Easter Sunday Cycle C Acts 10:34.37-43 Col 3:1-4 Jn 20: 1-9 Happy Easter! Maligayang Linggo ng Muling Pagkabuhay! Ito na po ang matagal

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 13, 2025

 9,133 total views

 9,133 total views Palm Sunday of the Lord’s Passion Cycle C Alay Kapwa Sunday Is 50:4-7 Phil 2:6-11 Lk 12:14-23:56 Ngayon araw nagsisimula na ang Semana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 6, 2025

 10,778 total views

 10,778 total views 5th Sunday of Lent Cycle C Is 43:16-21 Phil 3:8-14 Jn 8:1-11 “Gawa ng Diyos ay dakila kaya tayo’y natutuwa.” Ito ang tugon

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 30, 2025

 12,815 total views

 12,815 total views 4th Sunday of Lent Cycle C Laetare Sunday Jos 5:9-12 2 Cor 5:5.17-21 Lk 15:1-3.11-32 “Ang tao’y ibinilang ng Diyos na kanyang kaibigan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 23, 2025

 15,181 total views

 15,181 total views 3rd Sunday of Lent Cycle C Ex 3:1-8.13-15 1 Cor 10:1-6.10-12 Lk 13:1-9 Dahil po sa television, sa radio at sa social media,

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 23, 2025

 17,274 total views

 17,274 total views 3rd Sunday of Lent Cycle C Ex 3:1-8.13-15 1 Cor 10:1-6.10-12 Lk 13:1-9 Dahil po sa television, sa radio at sa social media,

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 9, 2025

 19,803 total views

 19,803 total views 1st Sunday of Lent Cycle C Dt 26:4-10 Rom 10:8-13 Lk 4:1-13 Ang kuwaresma ay isang katangi-tanging panahon ng simbahan. Sa panahong ito

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 2, 2025

 24,276 total views

 24,276 total views 8th Sunday of the Year Cycle C Sir 27, 4-7 1 Cor 15:54-58 Lk 6:39-45 Ang ating buhay ay puno ng pagdedesisyon. Kahit

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 23, 2025

 25,692 total views

 25,692 total views 7th Sunday of Ordinary Time Cycle C St Peter the Apostle Sunday (Opus Sancti Petri) 1 Sam 26:2.7-9.12-13.22-23 1 Cor 15:45-49 Lk 6:27-38

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 16, 2025

 27,395 total views

 27,395 total views 6th Sunday of Ordinary Time Cycle C Jer 17:5-8 1 Cor 15:12.16-20 Lk 6:17.20-26 Marami sa atin, o baka lahat tayo, ay naghahanap

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 9, 2025

 29,634 total views

 29,634 total views 5th Sunday of Ordinary time Cycle C Is 6:1-2.3-8 1 Cor 15:1-11 Lk 5:1-11 Sa harap ng mga dakilang tao, o kakila-kilabot na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 2, 2025

 31,862 total views

 31,862 total views Feast of the Presentation of the Lord World Day for Consecrated and Religious Life Pro-Life Sunday Day of Prayer and Awareness against Human

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 26, 2025

 33,321 total views

 33,321 total views 3rd Sunday of Ordinary Time Cycle C Sunday of the Word of God National Bible Sunday Neh 8:2-4.5-6.8-10 1 Cor 12:12-30 Lk 1:1-4.4:14-21

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 19, 2024

 34,559 total views

 34,559 total views Feast of Sto. Niño Holy Childhood Day (Sancta Infantia) Week of Prayer for Christian Unity Is 9:1-6 Eph 1:3-6.15-18 Lk 2:41-52 Ang pananampalatayang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top