Hope line, tugon ng Diocese of Kalookan sa tumataas na mental health problem.

SHARE THE TRUTH

 531 total views

June 29, 2020, 1:53PM

Tiniyak ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na hindi hadlang ang pandemya sa mga pastoral work ng simbahan.

Ayon kay Bishop David, bawat Parokya ng diyosesis ay patuloy na pinalalakas ang Social Communications Ministry bilang pangunahing daan ng mga programa ng simbahan lalu na sa paghuhubog at pagsasanay.

Kabilang na dito ang mga seminar, formation, conference at recollection.

“We have to empower the people to be able to..to do teleconferencing. Ngayon kunwari nanawagan ang isang formation sessions, family and life, may conference, seminar, retreat and recollection hindi naman porke may pandemya ay hindi magpapatuloy ang ating mga formation session,” pahayag ni Bishop David sa Pastoral Visit on-the-air ng Barangay Simbayanan.

Ayon sa Vice-President ng CBCP, ito ang hatid na biyaya ng makabagong teknolohiya na malaking tulong lalu na ngayong panahon ng pandemya.

Unang itinuturing ng obispo na nagsilbling lifeline ng simbahan ang communications ministry ng simbahan lalu na sa paghahatid ng mga misa at ilan pang gawaing simbahan.

Simula nang ipatupad ang lockdown noong Marso naging daan ang internet at social media bilang tagapagpadaloy ng salita ng Diyos ng simbahan.

ABUSES WITHIN FAMILY DUE TO LOCKDOWN

Inihayag ng Obispo na sa Diocese of Kalookan ay kanilang ini-introduce ang psycho-spiritual seminars at mga interactions online.

Sinabi ni Bishop David na ito ay tugon sa nagaganap na mental health issues na lumalabas sa mga tao dahil sa pandemya.

“Ito ay related sa aming ministry na noon ay naikwento ko na sa radio ang kaagapay-the ministry of accompaniment. Sa panahon ng pandemya ang daming mental health issues na lumalabas sa mga tao. Yung stress, depression, abused, trauma lahat ‘yan tumitindi, ngayon kailangan nandyan din ang simbahan para makatugon doon sa mga ganiyang klaseng issues”.paglilinaw ng Obispo

HOPE LINE

Upang tugunan ang mental health issues ng mamamayan, itinatag ng Diocese of Kalookan ang “hope line” na magsisilbing spiritual o guidance ng mga professional psychiatrist.

“Kailangan may hotline we call it a hope line. So naglabas kami ng hopeline para sa amin within our diocese kapag kailangan nila ng ganiyang klase ng guidance whether guidance ng isang pari na spiritual o guidance ng isang psychiatrist na professional or guidance kahit accompaniment lang ng isang non-professional mental health worker ay ma-provide.”pahayag ng Obispo sa Radio Veritas

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 2,867 total views

 2,867 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 28,228 total views

 28,228 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 38,856 total views

 38,856 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 59,844 total views

 59,844 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 78,549 total views

 78,549 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 58,188 total views

 58,188 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 84,003 total views

 84,003 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 125,533 total views

 125,533 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top